Chapter 41

805 23 2
                                    

"Hoy bruha! Marami kang dapat sabihin sakin!" Napangiwi ako matapos akong hilahin bigla ni Sam na ngayo'y nakatihaya sa hospital bed.

Nakuha pa talaga ng bruha makichismis samantalang kapapanganak niya lang. Nakakatampo nga dahil mas nauna pang nalaman ni Loic ang tungkol dito kesa sakin.

Psh. 

Inirapan ko siya at maingat na lumingon para tignan si Brix na ngayo'y abala sa pagkausap kay Dash. 

Agad akong nag-iwas ng tingin pabalik kay Sam matapos matuon sa akin ang mga mata niya.

I swallowed hard as I could feel my heartbeat paced faster and louder. 

Ano ba, Elizabeth! 

Ang landi mo talaga kahit kailan! Sangkaterbang luha na nga ang nasayang mo sa lalaking iyan ngunit nakuha mo pa ding maging marupok!

Argh!

I bit my lip in annoyance when Sam looked at me teasingly. 

"Huwag mo kong tignan ng ganyan." 

Pagbabanta ko sa kanya na ngayo'y nakangisi matapos magawi ang tingin niya sa kinaroroonan nina Brix.

"Mukhang hindi ata magkakalayo ang mga panganay natin, ah." She giggled as I raised her an eyebrow. 

Pinagsasabi nito?

"Mukhang mas mapapaaga ata ang pagtanda ni Dash, ah." Pagtukoy ko naman sa kanila ng anak niya na parang pinagbiyak na bunga.

Mabuti na lang talaga at naging lalaki ang panganay nila, kung hindi ay parang gumawa lang sila ng replika ni Sam. 

Kahit si Dash ay tila natameme saglit matapos makatitigan ang anak. Tanging kasarian lang kasi ang naiambag niya dito.

"Tseh! Wala ka pa ding lovelife!" Nananadya niyang tugon na siyang ikinasimangot ko.

Nang-aasar lang? Mababatukan ko talaga ito kapag hindi ako nakapagpigil.

I made her a face and turned to look at the door behind me when it flew open.

"Hello, everyone! How are you? I'm fine! Thank you!"

Nakangising pagmumukha ni Loic ang siyang tumambad samin habang may dala-dala itong bulaklak at mga prutas.

Natawa ako sa pagmumukha niyang namula matapos niya akong makita na nakasaksi sa kagaguhan niya. Agad siyang umayos ng tayo at pormal na pumasok.

"Hoy! Hindi pa ako patay! Bakit ganyang bulaklak dala mo?" Nag-alburutong tanong ni Sam kay Loic habang nanlalaki ang mga mata at kulang na lang ay umusok ang ilong.

"Just in case." Loic shrugged his shoulders and immediately dodged himself from the pillow which Sam threw at him.

I just laughed at the both of them as they started to annoy the hell out of each other. Kapag talaga nagsama sila ay walang katahimikan.

Maagap namang pumagitna sa kanila si Dash kung kaya't mas napahalakhak ako sa sitwasyon. Kawawa talaga ang lalaking ito sa bruhang asawa.

Unti-unting nawala ang mga tawa ko nang mabaling saglit ang aking tingin kay Brix na siyang nakatitig na pala sakin ng matalim. 

I faked a cough and averted my gaze. Hindi ko alam kung bakit ganyan na naman siya makatitig. 

He's so moody!

Wala naman akong ginagawang masama, ah!

Ilang sandali pa ay natigil ang lahat nang may kumatok sa pinto at iniluwa nito ang nurse na dala-dala ang munting anghel nina Sam at Dash.

Entangled DeceptionsWhere stories live. Discover now