Chapter 14

567 15 0
                                    

Nilagpasan ko si Monica at naunang maglakad patungong stage. I suddenly heard the crowd cheering for us the moment I held a microphone and Monica stood beside me. I immediately cut her off when she tried to say something.

“Shut up.” Mahinang bulong ko sa kanya habang hinihintay na magsimula ang kanta. “I don’t know what you’re up to yet. Pero isa lang ang masasabi ko sayo, hindi mo kami masisira ni Brix.”

I saw her smirked as she leaned back closer to me. “Talaga ba, ate? Look at your husband, he can’t even take his eyes off me.”

Nanginig ang kalamnan ko sa narinig.

“You wench!” Halos hindi ko makayanan ang nakikita. Walang ibang ginawa si Brix kundi ay ang tumingin kay Monica na tila ang lalim-lalim pa ng iniisip.

Tila nagbalik na naman ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan lalo na nang marinig ko ang kantang pinapatugtog.




NABITAWAN ko ang dala-dalang paper bag na naglalaman ng dalawang boxes ng cookies na siya sanang ibibigay ko sa dalawang taong malalapit sa akin matapos kong makita ang halik na naganap sa pagitan nila.

Hindi mababakasan ng kahit na anong emosyon ang mukha ni Brix samantalang nagulat naman ako sa mapang-uyam na ngisi ni Moira.

What happened to her?

Ang dami kong gusto itanong sa kanya. 

Today is our graduation. Paano niya nagawa sakin ito? 

During our last two years in college, hindi na naging ganun kaganda ang pagkakaibigan namin. Ni hindi niya din tinanggap ang scholarship noon na ibinigay ng daddy ko. I tried talking to her pero naging malamig na ang pakikitungo niya sakin.

She used to spend holidays at home before, pero nawala ang lahat ng iyon na parang bula ng hindi ko man lang malaman ang dahilan.

And now, I am seeing this.

Napahawak ako sa dibdib at huminga ng malalim.                

“Today is our second year anniversary, Elizabeth. Para ba samin ang mga cookies na iyan?” Ipinulupot niya ang mga braso sa bewang ni Brix bago sumandal sa dibdib nito.

I blinked repeatedly as I tried to process everything. S-Second Year Anniversary?

I balled my fists in rage. Bitch! Ginawa ko naman ang lahat para maging mabuting kaibigan sa kanya! Paano niya ako nasaktan ng ganito?!

“Y-You…”

“Good luck later, bestie. I hope makakaya mo pang tapusin ang kanta. Don’t worry. I’ll never leave your side naman.” Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan habang kagat-kagat ang mga labi. She gradually picked up the boxes before putting them back inside the paper bag. “Well, it’s just that useless na iyang confession mo... sa boyfriend ko.”

Laking galak ko nang kausapin niya ako noon sa graduation practice namin.

I missed her a lot.

That’s why I was even more than happy nang sabihin niyang tutulungan niya akong umamin kay Brix.

Hindi ako makapaniwalang sa kanya pa nagmula ang ideyang ito. She even insisted that I should sing a song for him at susuportahan niya naman ako by singing with me. 

She prepared everything as she’s also a member of the student council. Kaya tuloy madali lang niyang naipasok ang gagawing performance number namin sa program ng graduation ball.

Entangled DeceptionsWhere stories live. Discover now