CHAPTER 1

4.3K 239 111
                                    

★☆★

"Ate Staynzell is here?"

Hindi ko maitago ang gulat sa boses ko. I want to get up quickly but I know I can't. Parang mas lalo akong nabuhayan nang marinig 'yon.

He nodded and squeezed my hand a little bit. Dumagsa kaagad ang maraming tanong sa isipan ko. Hindi ko naman nakalimutan si Ate pero kung hindi pa binanggit ni Wayne ay hindi ko pa maaalala kaagad... lalo na sa naging kalagayan niya. Kung kamusta na ba siya pagkatapos ng ilang taon. Kung ano ang masasabi niya ngayong... nasa mga Garde kami. Marami.

I really can't believe it. It feels so new to me. Totoo naman. Bago ito lahat sa akin. It's like a rebirth in the same world and with the same people. And the life I had was in my past life. Whenever I try to think about it, it was vague and in a reddish-brown color scattered puzzles memory. Parang gano'n kahit ilang buwan lang naman ang nagdaan pagkatapos ng trahedyang nangyari sa 'kin.

The life that I didn't want but, I've never thought I'd want some pieces of it.

"C-Can I see her now?"

"Are you sure you will you be okay with it?"

"Of course." Hindi na ako makapaghintay. "I want to meet them."

Natagalan pa bago tumango si Wayne. Palipat lipat ang tingin niya sa mga mata ko na para bang tinitimbang kung ano ang reaksyon ko. He sighed and paused for a while, thinking deeply.

"Wait here."

Lumabas si Wayne sa kuwarto. I inhaled deeply and exhaled like I'm so ready for what's gonna happen. Parang kanina lang ay hindi ko alam kung handa na ba ako o ano. Ang lakas ng kabog ng puso ko at alam kong wala nang atrasan ito. Ilang buwan na ang lumipas nang malaman ko ang tungkol sa buhay ko kaya ayaw ko nang patagalin pa.

Ang hirap paniwalaan. Wala ako sa Pilipinas at malayong malayo sa mga taong nanakit sa 'kin. Malayong malayo sa buhay na mayroon ako noon.

Bumukas ang pintuan at nakita ko agad si Wayne pero hindi siya pumasok kaagad. Nagkatinginan kami. He smiled warmly while I can't even stretch my lips. Kinakabahan ako pero kailangan kong harapin ang desisyon ko. Kumunot ang noo ko nang mapatingin siya sa gilid niya at umatras.

Nagtama ang mga mata namin ni Rustavo Garde. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Nakatiim ang mga labi niya. He looked at me carefully, ayaw pang lumapit kaagad sa akin at naiintindihan ko 'yon. He swallowed hard and there's that look in his eyes that he couldn't believe what he's seeing. A sorrowful joy on an old man's face trying to hide or escape. Lumipat ang tingin ko sa babaeng nasa gilid niya at napaawang ang mga labi ko nang makita si Ate Staynzell.

Unti-unti siyang lumapit sa 'kin nang nakangiti at punong puno ng emosyon ang mga mata. Bumuhos ang mga luha niya nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin at maabot ako.

Nagbara agad ang lalamunan ko at nanggigilid ang mga luha habang nasa yakap niya. Hindi ako makapagsalita. 

"I'm sorry... I'm sorry... This is all my fault. I'm s-so sorry..." She cried on my shoulder. "I'm sorry... H-Hindi ako nakauwi... Hindi ako umuwi... Hindi ko s-sinabi. Tinago ko..."

Napalunok ako at kahit medyo nalilito sa mga sinasabi niya ay ramdam ko ang sakit sa kaniyang boses. She cried so hard like she's really regretful. I don't know. Regretting that she didn't come home for years? For leaving me all alone with that family? Who tortured me emotionally and physically? A family that wasn't my family at all. They manipulated, abused, and ruined me. They scarred me mentally.

Mas lalong humigpit ang yakap niya habang paulit-ulit na sinasabi ang bagay na 'yon sa 'kin. Niyakap ko siya pabalik at bumagsak ang luha ko. It feels like almost home, too... The different kind of pain and comfort. I've longed for this kind of warmth that I can only feel from her.

Protecting the Royalties in Our Hearts (#1 - SY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon