CHAPTER 2

3K 215 73
                                    

★☆★

Tama nga. Para akong nakatingin sa salamin. Ngayong mas malapit na ang mukha ng sinasabi ni Ate na kakambal ko.

He's tall and fair. Sa tingin ko'y magkasing tangkad lang sila ni Wayne. Ang makapal niyang itim na buhok ay bahagyang tinatakpan ang noo niya. It feels so weird seeing someone that looks like me and looking at me.

Tumikhim siya nang makalapit na. Nakatingin pa rin ako sa kaniya.

"She wants to go outside," ani Ate Staynzell.

Napatingin siya kay Ate at tumango. Binalik niya sa akin ang tingin. Hindi ako makapagsalita kaya binaba ko ang tingin ko.

It also feels weird knowing I'm... here with my siblings. Especially Vaniella. Sino sino pa ang mga kapatid ko? Ilan kaming lahat? Hindi naman talaga gano'n ka weird sa pakiramdam. Siguro naninibago lang talaga ako sa lahat lahat.

Naguguluhan na naman ako. She's Wayne's ex, right? Wayne and I aren't in a relationship but I can't say we're nothing. Pero ex siya ng kapatid ko?

I sighed and didn't say anything.

Tinanggal ng kakambal ko ang suot niyang asul na coat. He's now wearing a black sweater. Lumapit pa siya sa 'kin at binalot ako ng coat niya.

"It's cold." Napatingin siya kay Ate. "Bakit hindi mo man lang siya pinasuotan ng jacket?"

"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko. Pero dito lang naman kami sa loob so okay lang. We'll just turn on the heater."

His gentle eyes darted at me again. Mala anghel ang kaniyang mukha. Walang kapintasan o bahid ng kasamaan na taliwas naman sa kaniyang katawan. He looks unbreakable and he obviously goes to gym. Ngayong mas kitang kita dahil naka sweater nalang siya.

"I'm Hale. Lyndon Hale Garde."

Naglahad siya ng kamay sa harapan ko. Hindi ko pa tinatanggap ang kamay niya kaya binaba niya 'yon at ngumiti.

"Can I hug my twin now?" Sabay tingin niya kay Ate.

Hale crouched enough to reach for me and hugged me, hindi na hinintay ang sagot ni Ate o na makapagsalita ako. Napalunok ako at napaawang ang mga labi. Hindi gano'n ka higpit pero hindi rin gano'n ka lamya. May mainit na dumaan sa puso ko lalo na nang dumalo rin si Ate at niyakap kaming dalawa ni Hale.

I can't feel any strange feelings when Hale's arms enveloped around me. It felt good like a warm nest after a long cold night of wandering outside. Isang yakap na hindi ko alam na magtutulak pala sa 'kin para isipin na kahit natagalan man bago kami nagkita ulit ni Ate, sa pagbalik niya, hindi lang pala siya ang sasalubong sa 'kin... That old lonely feeling because my sister wasn't by my side is gone.

Bumitaw si Ate at natawa. Nakita kong nagpunas siya sa kaniyang pisngi.

"You're minutes older than me but I'm way taller than you. Should you call me Kuya?" Hale chuckled.

Kumalas si Hale sa yakap at lumuhod sa harap ko para mapantayan ang lebel ng mga mata ko. Hanggang ngayon parang hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

"No." I smiled. "You should call me ate instead."

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ka gaan sa pakiramdam kahit ito ang unang beses na nagkausap kami.

"We have so many things to catch up. Hindi magiging sapat ang isang araw."

"Kami rin no!" Ate Staynzell interrupted.

"Hindi puwede. Kami lang muna ng kakambal ko."

"Wow, Hale, ha! I'm older here!"

Protecting the Royalties in Our Hearts (#1 - SY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon