CHAPTER 3

1 2 0
                                    

Champagne POV

"LOOK, Ate Champagne" naudlot ang pagsubo niya ng isang pirasong Hershey's Kisses na bigay sa kanya ng blooming na blooming na si Bonnie. Natutok ang mga mata niya sa diamond ring na nasa palasinsingan nito. Nanghaba ang nguso niya. Mayamaya lang ay nginitian niya Ito.

"Hay, ano pa nga bang magagawa ko? Nabalitaan ko nga pag-uwi ko KAGABI na nagkaroon ng biglaang pamamanhikan sa inyo. Congratulations sa inyo ni Jack. I'm very happy for both of you."

"Eh, kayo ni kuya? Ano nang balita sa inyo?" Huminga ako nang malalim. Hindi ko itinago ang kalungkutan ko SA kapatid ng lalaking minahal ko. "Hayon, pagkatapos mo kaming mahuli sa CR, iniwan ako ng kolokoy mong kapatid."

"What?! Pambihira naman so kuya! Akala ko pa naman, okay na rin kayo. Kaya pala parang Wala siya SA mood lately, eh."

"Wala siya sa mood? Siya pa Ang nawalan ng mood?" Hindi ba dapat ako ang maging masungit at moody dahil sa ginawa ni Montrachet? "Sabihin mo nga sa kanya na Kung ayaw niya sa akin, sabihin Lang niya at sasagutin ko agad iyong mayaman at gwapo Kong manliligaw na si Jaren."

Tumawa Ito, parang hindi sineryoso ang pagka inis ko SA kapatid nito. "Talaga, Ate? May mayaman at gwapo Kang manliligaw? Cool sige, sige. Hayaan mo't makakarating Kay kuya." Kumindat-kindat pa ito. "Siyanga pala, kuwentuhan mo naman ako."

"Tungkol saan?" Idadaan ko nalng muna sa pagkain ng chocolate Ang pagkaasar ko. "Ano ba talaga Ang ginawa mo Kay kuya at Hindi na siya nahihimatay kapag nakikita ka?"

"Grabe ka namn. Hinihimatay Lang siya kapag nginitian ko na. Pero dati yon di ba? Ewan ko ba ron. Basta mula nang pumunta tayo SA Baguio at mahalikan ko siya sa unang pagkakataon nabawasan ang pagiging mahiyain niya."

Natutuwa ang puso ko kapag naaalala ko Kung paano siya sulyapan at ngitian ni Montrachet. Yayain ko Kaya bumalik kami sa Baguio? Baka sakaling makatulong ang malamig na simoy ng hangin doon upang tumino uli ito sa harap ko.

"Kita mo nong naglalaro tayo ng volleyball? Takot na takot siyang matamaan ako ng bola. I'll never forget that day."

Napangiti ako nang maalala Ang Isa SA masasayang araw namin iyon sa Baguio. Montrachet had been acting very protectively towards me at that time. Para sa akin, sweet na sa akin ang simpleng pagsulyap at pag-iingat nito sa akin. Nahiling ko nga noon na sana ay hindi nalang natapos ang reunion na iyon.

Hinawakan ni Bonnie Ang kamay ko. Napatingin ako rito. Nginitian siya nito. "Hayaan mo, lahat naman tayo ay dumadaan sa problema."

"Ilang taon na akong nanliligaw sa kuya mo. Pero feeling ko, wala namang nangyayari."

"Huwag mong sabihing sumuko ka na?"

"Hindi naman."

"Sa tono mo ngayon parang sumuko ka na nga."

"Napapagod din naman Kasi ang tao, hindi ba? Ikaw, hindi mo ba iyon nararanasan sa makulit kong pinsan?"

Ngumiti Ito. "Napagod din ako sa paglayo sa kanya. Pero ako rin ang sumuko. My heart surrendered.....and I fell hard. Hay, Ang sarap sa pakiramdam."

"Haist! Tigilan mo na nga iyan. Naiinggit lang ako, eh."

"Iyon nga ang gusto ko. Para lalo Kang magpursige Kay kuya."

CELLAR SERIES #10 | DON'T FAINT ON ME, Mr.  MONTRACHETWhere stories live. Discover now