CHAPTER 7

0 1 0
                                    


Champagne POV

"Hindi na talaga ako natutuwa sa Mr. EGuy_101 na to. Wala ba talaga sa inyo ang nakakakilala sa kanya, ha? Umamin nga kayo sa akin. This isn't funny anymore,"naiinis na sabi ko.

Ibinagsak ko sa mesa ko ang isang bouguet ng blue roses at isang blue card. Ang higit na ikinakaasar ko ay ang pagpapadala sa akin ng mga larawan ko. Mayroong kuha sa cafeteria, sa mall, at maging habang nakatayo ako sa Kanto ng subdivision. Kinakabahan din ako dahil halos lahat yata ng kilos ko ay alam ni Mr. EGuy_101 at nakasunod Ito sa sa akin saan man ako magpunta.

"Naku,mare. Promise,wala sa amin ang nakakakilala sa mystery suitor turned stalker mo na yan," ani ni Art Dominique. Lumapit ito sa akin at pinagtitingnan Ang mga larawan ko. "In fairness,ang gaganda ng kuha mo. Nag improve na rin siya. Talagang bouquet na ngayon ang ipinapadala niya para sayo. Sino Kaya siya?" Hindi ko alam Kong gustuhin ko pang malaman Kong Sino siya.

"Ay,ang gara! Talagang subaybay na subaybay Ang Lola mo!" Bulalas naman ni Ate Sheryl. Napailing nalang ako. "SA totoo Lang, ate She, Art, natatakot na ako sa kaniya," pag-amin ko.
"Sino nga kaya ang hunghang na yan,no?"
"Tingin ko, taga-office lang din siya. Alam niya Ang mga kilos at galaw ko,eh. Teka, Sino ba Ang mahilig sa blue? SA tingin ko,iyon Ang paboritong kulay ng stalker ko."

"Hindi naman Kaya si Elbert?" Tanong ni Art Dominique.
"Ha?" Kahit minsan ay hindi sumagi sa isip ko na si Elbert ang posibleng stalker ko. "Parang Hindi. Malabo iyon lalo pat galit siya sa akin."
"Haller? Ang alam ko,paburito niya ang asul. Saka baka nakalimutan mo ang dahilan Kung bakit mainit ang ulo niya sa iyo? Binasted mo siya noon, remember? Hindi ba Patay na Patay siya noon sa iyo?"dahil sa sinabi niya natigilan ako. Naging ganoon nga pala ka bitter sa akin SI Elbert dahil sa pambabasted ko rito noon.

"Pero,ate,matagal na ang isyu na yon. Bakit pa siya magpapadala sa akin ng blue roses Kung ganoong araw-araw naman eh, sinusupladuhan niya ako nong nandito pa siya?"
"Hmm..... Puwedeng defense mechanism lang niya iyon para pagtakpan ang tunay na feelings niya sa yo. Ganoon daw Kasi ang mga lalaki, Champagne. Mahilig magkubli ng totoong damdamin nila. Ang ilan,idinadaan sa mga ganyang bagay-- pa-mysterious effect, pasuplado effect,and everything."

Napabuga nalang ako ng hangin, Saka marahas na ipinilig ang ulo ko. Dahil naguguluhan ako. Kung sino man ang Mr. EGuy_101 na iyon, Sana ay tumigil na iyon sa kahibangan SA buhay. At agad akong nag text Kay Montrachet para ibalita rito Ang tungkol sa mga picture ko. At agad naman ako nitong tinawagan.

"Are you okay?" Agad na tanong nito sa akin.
"Ah,wrong question. Of course, you're not feeling okay about it. But I hope you're just fine there." Thank you sa pag-aalala sa akin, Montrachet. Sagut ko nalang sa isip isip ko ngayong narinig Kuna ang boses nito ay sapat na na iyon para mabawasan o makalimutan ko pansamantala Ang stalker ko.

"Sunduin kita mamaya, okay? Mag text ka lang sa akin bago kayo mag out sa office niyo. That guys obviously obsessed with you. He's pissing me off." Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito. Nai-imagine Kong nakakunot ang noo nito pero guwapo pa rin Ito kahit galit ito.

"Let's get back to work," Sabi ko.
"Okay. Take care," bilin nito.
"Yeah,I will. Ikaw rin."he chuckled.
"Yeah,of course. So, paano? See you late"
"Yep. See you later." Pagkababa ko ng telepono ay napatingin ako sa mga kasamahan kong pawang makangisi sa akin.
"O, anong tinitingin-tingin niyo riyan ha? Go back to work na po tayo."
"Naks, si Miss Champagne,humugot lang ng inspiration!" At nagkatawan silang lahat na naroon. Iiling-iling ako pero nakangiting sinagot ko Ang pag ring uli ng cellphone ko.

CELLAR SERIES #10 | DON'T FAINT ON ME, Mr.  MONTRACHETWhere stories live. Discover now