CHAPTER ONE

24 7 13
                                    

"Uuwi na ako."

Sinuot ko na ang backpack ko at inayos ang sarili. Suot ko pa ang practice red jersey namin at itim na volleyball short.

Kinuha ko ang tumbler ko at sunod-sunod ang lagok sa pananabik sa malamig na tubig. Habang umiinom ay nakatingin ako sa mga teammates ko dito sa gym na isa-isa naring lumapit sa mga gamit nila sa benches.

"Uy, Kia! Huwag mali-late bukas ah. Last tryout na natin bago ang laro." Sigaw ni coach Mike sa akin.

Tumango ako habang sinasaraduhan ang tumbler at yumuko dito. "Mauuna na po ako." Wika ko pa bago mag-isang lumabas ng gym.

Bitbit ko ang tumbler na naglakad sa pathway ng gym papunta sa quadrangle. May mga students pa dito sa labas sa ganitong oras.

Alas otso na ng gabi. Lagot na naman ako nito kay Kuya. Ang paalam ko kase ay hanggang alas siete lang kami pero nag overtime kami dahil bukas na ang laban namin sa LNIS.

Sikat iyon na paaralan at sobrang private. Ngunit masaya ang lahat ng mag bukas ito sa public at nakisali na sa mga patimpalak.

That LNIS is a weird school but everybody wants to study there. I don't know why. Ni hindi nga nila alam kung saan located ang school na iyon.

"Kianna!" Masigla akong sinalubong ng mga barkada ko na outsiders sa labas ng gate ng TLC.

Hindi na sila nag-aaral sa hirap ng buhay. Maliban kay Jair na nag-aaral sa LNIS, mayaman, e. Maswerte nalang ako dahil may mommy pa akong nag susuporta sa akin.

"Uy, ba't nandito kayo?" Curious kong tanong.

Isa-isa ako nilang niyakap. Nahihiya akong ngumiti dahil pawisan pa talaga ako.

"Balita namin ay gabi na naman ang uwi mo. Alam mo namang maraming tarantado diyan sa kanto. Hatid ka na namin." Ani ni Jair na siyang pinakaclose ko. Kapitbahay ko lang yan, e.

"Tara na. Dalian lang natin." May kaba sa tono kong wika. Wala pa man ay na pi-picture out ko na si Kuya na nakatayo sa labas ng gate ng bahay.

"Kumusta ang volleyball?" Tanong naman ni Rocky sa akin.

Naglalakad kaming lima sa sidewalk habang marami pang sasakyan sa gitna ng kalsada. Nakakasilaw ang mga ilaw ngunit ayos lang sa akin dahil pundido ang street lights sa side na ito. Kaya naman nakakapaglakad kami ng maayos dito.

Malamig na ang gabi, maliliwanag na ang mga kabahayan sa gilid ng kalsada. Maliban lang sa side ng sidewalk na ito dahil mataas rin ang pader at puro kahoy kaya walang lumalabas na ilaw galing sa bahay sa loob ng pader.

"Bakit volleyball ang kinakamusta mo? Haha, ako ang pagod dito."

Biro ko. Bigla naman akong binatukan ni Justin na nasa likuran ko. Asar akong napanguso at nilingon ito.

"Nag rereklamo ka?"

"Hindi ah."

"Kumusta ang tryout niyo sa volleyball?" Sulpot ni Tres na ngayon palang nagsalita.

"Okay naman. Next day na ang sports week."

Nagpatuloy kami sa pag lakad. Lumiko kami sa isang kalsada kung saan ang sitio naming lima.

As usual, tahol ng aso ang nangingibabaw. May mga bata na nagtatakbuhan at sa gilid ng kalsada at may nagtitinda ng street foods. Sobrang bango tuloy ng hangin.

"Kain tayo. Libre ko." Hinila ako ni Jair sa tapat ng ihawan at sumunod ang tatlo sa amin.

Pinalibutan naming lima ang maliit na ihawan dito sa gilid. Kaniya-kaniyang pili.

LEARN NEW INTERNATIONAL SCHOOL (On-going)Where stories live. Discover now