CHAPTER TWO

12 6 3
                                    

"Kuyaaa! Kuyaaa!" Sigaw ko ng marinig ko ang mabibigat na hakbang sa hagdanan paakyat dito.

Si Kuya na iyon. Malapit na siya. Tutulungan niya na ako.

Hindi ko magalaw ang mga kamay ko dahil sa malakas nilang pag hawak dito. Yung dalawa ang humawak at hinayaan ang isang lalake sa ibabaw ko na mag hubad ng damit.

Inuupuan niya ang thighs ko kaya hindi talaga ako makagalaw. Tanging pag padyak lang ang kaya kong gawin.

Pinikit ko ang mga mata ko ng inalis niya ang belt niya. No, hindi pwede. Ayoko.

Habang nakapikit ay naramdaman kong umalis sa ibabaw ko ang lalake at nawala na ang hawak sa mga kamay ko.

Sobra akong nagtaka. Ano'ng nangyare?

"What the heck happened?" I hug myself as I take a seat and slide back to the edge of the wall.

Kunot noo kong tiningnan ang tatlong lalake sa sahig na parang patay na. Paano sila namatay? Wala akong narinig na sound or any movement. Basta ay umalis lang sila sa akin.

Nanginginig ang buo kong katawan at hindi magawang tumayo. Parang nag v-vibrate pa sa katawan ko ang mga nakakakilabot nilang hawak at haplos.

Pakiramdam ko ay sobrang dumi ko na. Nahihiya ako.

"KIANNA!" Sigaw ni Kuya na mukhang bagong dating. Mas lalo tuloy akong naguluhan sa nangyare.

Kung kakarating lang niya ay sino ang narinig ko kaninang umakyat sa hagdan? Sino ang gumawa nito sa tatlong lalake?

Napahawak ako sa buhok at gumugom ng kamay. Baliw na ba ako? Am I hallucinating?

"May narinig ako, mga hakbang..."

"Kianna? Ano'ng ginawa nila sa'yo?!" Nakaluhod na si Kuya sa harapan ko at niyuyugyog ang balikat ko.

"May nauna dito bago sa'yo..."

"P***ngina Kianna! Ano'ng ginawa nila sa'yo? Sabihin mo!"

"Kuya," tsaka lang ako parang natauhan ng makita si Kuya sa harap ko.

Bago pa ako magsalita ay nakuha ng attention ko ang isang anino sa labas ng pintuan. Parang nakatago at ngunit sinadyang mag paramdam.

Nanginginig ang kamay kong tinuro ang pintuan at tinakpan ang bibig sa takot.

"Anino!" I horribly shout and point the doorway. Mabilis naman na lumingon doon si Kuya at tumayo para lapitan ang tinuro ko.

Lumabas ito sa pintuan at salubong ang kilay na bumalik sa akin. Parang napikon ito at malalaki ang hakbang na lumapit sa akin.

Bigla niya akong hinawakan sa parehong dulo ng braso ko at binuhat papunta sa higaan niya. Walang lakas ang mga binti ko kaya nag mukha akong lantang gulay at nagpadala nalang kay Kuya.

Nang maalala ko ang nangyare kanina at sunod-sunod akong lumuha. Nahihiya akong magsalita kay Kuya. Hindi ko kayang sabihin na tinangka akong gahasain ng mga tinuring niyang kaibigan.

"Ano'ng nangyare?" Para akong pinipiga nito para lumabas ang sagot ko sa tanong niya.

Akala ko madali lang umamin. Ano nalang ang iisipin sa akin ni Kuya? Baka Hindi siya maniwala. Wala ring silbi ang pag amin ko.

Tinakpan ako nalang ang bibig at humagulhol ng iyak. Ang sama nila sa akin. Ganito na pala ang tingin nila at mga plano nila kapag wala sina Tito at Kuya dito. Ngayon lang ito nangyare sa akin. At ngayon lang rin ako umuwi sa bahay ng mag-isa.

LEARN NEW INTERNATIONAL SCHOOL (On-going)Where stories live. Discover now