𝐂𝐀𝐏𝐓𝐈𝐕𝐀𝐓𝐄𝐃

203 22 6
                                    

❝I don't believe in love anymore,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

❝I don't believe in love anymore,

when suddenly the right person

here in front of me and she is

everything I ever wanted.

Kendrick Del Fierro

---

     Kendrick woke up to the sound of rain pouring down outside, it's around 6 a.m. in the morning. Marahan n'ya munang kinusot ang mga mata n'ya, before he finally up. He walked towards the balcony and stare blankly outside. Halos hindi n'ya makita ngayon ang mga naglalakihang gusali at ang tanawing nakasanayan n'ya nang tingnan dahil nababalot ito ngayon ng makapal na fog. Ito na ang palagi n'yang gawain tuwing babangon sa umaga, sisilip sa balkonahe upang panoorin ang unti-unting pagsisimula ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na gawain habang pinapalipas ang oras.

"Napag-isipan na kaya n'ya," bulong n'ya sa sarili ng sumagi sa isip ng binata ang alok n'ya kay Eunice.

"Kailangan n'yang tanggapin ang alok ko, I need her para hindi matuloy ang kasal namin ni Maxine." he sigh aloud and started his way towards the bathroom to get freshen up.

"Good morning sir!" kan'ya kan'yang bati ng mga employees as Kendrick entered the building na agad naman nitong tinatanguan bilang tugon sa mga ito. Sandaling nabaling ang pansin ng binata sa suot nitong orasan. Napailing nalang ito ng mapagtantong alas-syete na ng umaga, sa haba ng trapiko dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan ay hindi na nito napansing tinanghali na pala s'ya.

"Mr. Del Fierro," panimulang bungad ni Lyra habang nagmadaling palapit sa direksiyon ko. "Kanina pa po naghihintay 'yong mga applicants sa interview room, alas-sais pa lang dumagsa na agad sila," dagdag pa nito. She is Kendrick's personal secretary, but because of her pregnancy naisipan n'yang mag-resign na lang at maghintay na may papalit sa posisyon n'ya bago tulu'yang umalis.

"Just cancel the interview," malamig nitong tugon.

"P . . . po sir?"

"Hindi na tayo tatanggap ng mga bagong applicants, kaya ipatigil mo na ang interview." Muling saad ni Kendrick.

"P . . . pero Mr. Del Fierro, hindi natin p'wedeng basta baliwalain na lang 'yong pagod at effort nila just to get in here, magkakaroon ng bad image ang company kung sakaling-" kunot-noo itong tiningnan ni Kendrick, palatandaan na hindi s'ya sang-ayon sa sinabi ni Lyra. Sa halos apat na taon n'yang pagtatrabaho sa binata ay halos kabisado na n'ya lahat ng mga bagay na gusto at ayaw nito, isa na roon ang pagtutol sa mga desisyon n'ya.

"Okay po Mr. Del Fierro, sasabihan ko agad si David na itigil na ang interview," sambit nito sabay ngiti. "Hindi naman sa pagiging chismosa, pero bakit biglang nagbago 'yong isip n'yo, sir." Usisa ni Lyra sa binata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐁𝐄𝐘𝐎𝐍𝐃 𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐒Where stories live. Discover now