Chapter 55. why

15 2 0
                                    

Mabilis akong tumakbo papunta sa elevator pero kahit anong bilis nasaraduhan parin ako. kaya dumaan nalang ako sa hagdan at mabilis akong umakyat.

Habol hinga akong nakarating sa room 205 at agad kong binuksan ang pinto.

Nakita ko nanakahiga siya habang nakabukas ang bintana. nakatingin siya sa labas habang hindi na siya namalayan na May tao na palang nakapasok sa loob.

"Alam kong alam mo kung nasaan si bram." sambit ko na kinagulat niya. agad siyang lumingon sa'kin kasama ang malaki nitong ngiti.

"Jase.." Kumunot naman ang noo ko nang marinig ko ang boses nito.

"Narinig mo ba ang tanong ko sayo, gusto mo bang ulitin ko pa!?" malakas kong inihampas ang kamay ko sa mesa niya.

"Kalma, maupo ka muna hindi ko ba gustong makausap si papa?" napangisi naman ako nang marinig ko 'yon.

"Umaasa ka parin na pag katapos nung nangyari tatay parin kita." humalikhik naman ako.

"Nakakahiya nalang sabihin na anak moko. nakakahiya nalang na ipag malaki ka bilang tatay ko!" sigaw ko sakanya. "hindi ako interesado makipag usap sayo! ang taging pinunta ko lang dito si bram, asan si bram."

Nais kong ikalma ang sarili ko, kahit papano tatay ko parin ang nasa harapan ko.

"Hindi ko alam kung gugustuhin niya kapag nalaman niyang pupunta ka don." smsaad niya matapos ay tumingin sa'kin.

"Hindi ko naman hinihingi ang permiso niya. kahit ayaw niya o gusto pupunta ako." saad ko at binigyan ko siya ng seryosong tingin

"Ayos, sige." Tumayo naman siya sa kinahihigaan ay at pagkatapos ay tinanggal ang mga naka nakadikit sakanyang kamay.

"t..teka anong ginagawa mo?" tanong ko matapos ang ginawa niya.

"Sasamahan kita." saad niya pagkatapos ay kinuha ang kanyang uniporme na nakapatong sa upuan.

"Uh? ano!?" Biglang kumunot nga ang noo ko nang marinig ko ang sinasabi nito.

"Alam kong alam mo kung gano ka delikado ang pamilya ni bram hindi ba." Kanyang kinuha na ang susing nakapatong sa lamesa.

"Tss, bahala na." saad ko at nauna nang lumabas sakanya.

Mabilis kaming nag lakad papunta sa elevator at pababa papunta parking lot.

"I— dejavu?" unang naisip ko matapos kong pumasok sa loob ng kotse niya.

"Uh?" tanong niya matapos sumulyap sa salamin.

"W-wala." i looked away.

"Nakakasigurado akong nangyari na'to."





Ilang oras lang ang nag daan nang huminto na ang sasakyan niya, naisip ko na baka nasa bahay nanga kami ng mga Casper.

Binuksan ko agad yung pinto at lumabas. Hindi agad ako nakagalaw nang isang malaking gate ang sumalubong sa'kin.

"Siguro ba sya na bahay 'to? mas malaki ba sa university na pinag aaralan ko." mahinang saad ko at napalingon ako sakanya nang lumabas na 'to sa kotse.

"Andito tayo." aniya matapos kuhain ang isang card mula sa kanyang bulsa.

Papasok palang kami sa loob nang may mga guwardiya agad na sumalubong samin.

"Ipinag bibilin ni Mr. Casper ang wag munang mag papasok ng bisita sa loob, pasensya na po."

"Hindi naman kami bisita." Saad ko at inawat naman niya akong lumapit sa guwardiyang kausap ko.

"Where's Mr. Casper?" tanong niya sa guwardiya.

"May importante po siyang meeting ngayon."
Tugon ng guwardiya.

"Eeh, si bram?" Tumingin lang sakin ang guwardiya. "Wala, wala siya dito." sagot niya.

"huh?"









***


"You're back." Pag bati sakin ni dad habang nakaupo siya sa coach at may hawak na wine.

"Hulaan ko, siguro sinusubukan mo naman mag hanap ng impormasyon?" malakas siyang tumawa na may kasamang palakpak.

Tumayo siya matapos ay hinawakan ang braso ni bram.

"Ba't kasi hindi nalang kayo sumuko? ang weak ng buong team niyo, hindi nga sila makaharap sa'kin." aniya matapos ay ngumisi.

"Andito ka narin naman—

"Ba't mo ginawa 'yun, dad." Tanong na nag paputol ng pag sasalita niya.

"Uhm? what do you mean?"

Binigyan niya ng nakakatakot na tingin ang kanyang ama.

"Alam kong alam mo, ikaw yung taong bumaril kay Mrs. Dior nung gabi na 'yun hindi ba." Nangisi nalang siya matapos marinig ang sinabi mo bram rito.

"It's been a years, let's move on." pabirong saad niya habang nakikipag titigan kay bram.

"Move on? Hindi mo ba alam na buong buhay sinisisi ni Jase yung tatay which ikaw naman yung may kasalanan!" sigaw niya kasabay ng pag pabo ng wine sa pader.

"Oh, are you acting like a hero again?" humalikhik ito na parang baliw. "Kung sino man ang sisisihin niya wala nakong pake don. para sakin tama lang yung ginawa ko."

"huh?" Biglang tumaas ang kaliwang kilay niya kasabay ng malakas na suntok na sumalubong sa kanyang ama.

"are you out of your mine?!" wika nito habang unti unti na siyang napupuno ng galit.

"Yes." sagot niya kasabay ng pag baril kay bram. "Ipunta niyo siya sa kwarto niya."


Nagising ni bram sa isang malaking at tahimik na kwarto.

dahan dahan siyang bumangon at agad na napatingin sa sugat niya sa braso, naalala nga niya na May bumaril siya kanya matapos ang ginawa niya sa tatay niya.

Kasabay non ang pag bukas ng pinto. "Gising Kana pala." saad niya.

"Aalis ako ngayon, if you need anything just call your maids."

"Asan yung cellphone ko." tanong ni bram sakanya.

"As long na nasa pamamahay kita hindi mo na kailangan ng phone mo. ayaw mo ba ng walang istorbo?" muli siyang humalikhik at lumakad papunta sa pinto.

"wag mo nang tangkain tumakas, mamaya maya lang ay aalis nadin tayo. Remember bram nakikita ko bawat galaw mo." Sinara na niya ang pinto.

Agad naman niyang binuksan ang drawer na may nakatabing baril.

Kinuha na iyon atsaka kinasa. "That's why i feel like somebody's watching me." tinutok niya ang baril sa kisame at pagkatapos ay pinutok ng dalawang beses.

"Wag mokong subukan."

Still with youWhere stories live. Discover now