CHAPTER - 2

40.2K 1.2K 1.9K
                                    

Ellie's

"Sino na nga ulit yung Prof natin ngayon?", tanong ni Kate sa tabi ko habang nagdodoodle sa likod ng notebook nya.

7:30am kasi yung start ng klase pero 7:35am na ay wala pa rin sya.

"Professor Knite Delos Reyes", sagot ko nang hindi sya nililingon.

"Ang gwapo ng pangalan nya, for sure ang pogi non", kinikilig pa ang gaga.

"Gwapo nga, late naman", siniko nya tuloy ako.

"Umayos ka nga, lahat ng tao nalalate"

"Pwes, hindi ako", inirapan ko pa sya na ikinailing nya lang.

"Good morning class!", lahat kami ay napatingin sa lalakeng iniluwa ng pinto, agad kong nilingon si Kate na ngayon kay nakanganga na.

Pigil na pigil ako sa sarili kong wag matawa dahil sa reaction nya

"Pogi pala ha", pang aasar ko na ikinairap nya

"Good morning po Sir!", sabay na bati naming lahat sakanya.

"Pasensya na at nalate ako ng ilang minuto, nagkaroon lang ng emergency"

"Okay lang po Sir!"

"Ayos lang Sir!"

"Okay lang po kahit di na kayo pumasok Sir!"

Hoy ang gago nung huling nagsalita, buti di sya narinig ni Sir HAHAHAHAHA

"Huy Kate? Ano? Pogi ba si Sir?", pang aasar ko ulit sa katabi ko na ngayon ay nakabusangot na

Pano ba naman, panot si Sir, maliit at may kalakihan pa yung tyan HAHAHAHA hindi ako nangbabalaw ha, dinidescribe ko lang.

"Manahimik ka dyan kung ayaw mong sundutin ko ng ballpen 'yang eyeballs m--"

"Ellie Reiz Raven?", agad akong napalingon kay Sir na ngayon ay nakatingin sa kinaroroonan ko.

"Y-yes Sir?", tumayo ako at nagtinginan sakin yung mga kablockmates ko.

Nakangiti yung iba, yung iba naman ay may binubulong sa mga katabi nila at yung iba ay mukhang kinikilig na ewan.

"Come here iha and introduce yourself, sunod sayo si Miss Kate Collins", tumango ako at naglakad na sa harap.

Ganito nga pala lagi kapag bago ka lang, kailangan ng introduce-yourself-portion.

"Good day everyone, I'm Ellie Reiz Raven, 19 years old. I was born in New York but decided to live here in the Philippines because of our business"

"Tell us about your hobbies and likes iha", dagdag ni Sir.

"Uhm my hobbies are playing instrument, I also love to sing, to draw, paint, uhm I love cars actually and my dream is to become a Hotelier, that's all thank you "

"Okay, thank you Miss Raven, class be kind to your new classmate", saad niya bago ako pabalikin sa upuan ko at sumunod naman si Kate na nagpakilala.

Pagkatapos nya ay nagsimula ng mag discuss si Sir, nakinig ako ng mabuti dahil magaling rin syang mag turo.

Wala sa hitsura nya na ganyan sa kahusay pero expect the unexpected.

"Bring out a piece of paper and answer this equations", nagsimula na syang mag sulat sa white board.

"Do this quiz until the bell rings", dagdag nya.

At dahil nakinig ako kanina ay madali ko lang nasagutan yung 10 equations na nasa board.

Nilibot ko ang pangingin ko at may ilang mga napapakamot nalang sa ulo, may mga pasimpleng sumisilip sa paper ng katabi nila.

I shook my head, mga nagdadaldalan kasi kanina e.

Same PlaceWhere stories live. Discover now