Chapter 5

5 2 0
                                    

"Wala na, finish na, mukhang may nanalo na kay Ibraim." Nanlulumong saad ng isang estudyanteng kasabay naming lumabas ng gym.

"Bagay naman sila, huwag ka ng ano diyan. Kuko ka lang ni Athena." Kontra naman nung isa sa kanya.

"Hoy ang kapal mo, ikaw nga halos mangiyak ka na kanina habang nakatingin sa kanila."

Napailing nalang ako dahil sa usapan nila.

"Ikaw, Nhicole, tingin mo? In relationship kaya sila?" Tanong ni Kris na nasa tabi ko.

"Ewan, wala naman akong paki."

"Ano ba 'yan, ang kj mo naman. Pero tingin ko sila na."

Natigil ang pag-uusap namin nang makita naming papasok si Ibraim na may kasamang ibang babae sa cafeteria, nakahawak pa ito sa bewang nung babae.

"See, hindi nagseseryoso 'yan. Sayang lang si Athena kung sa kanya mapupunta." Nakangiwing wika ko.

"Grabe ka malay mo naman friend niya lang si Athena at 'yan pala talaga ang girlfriend niya."

"Naku! Tignan mo bukas ibang babae na naman ang kasama niyan." Siguradong saad ko.

Hindi na siya sumagot at nakasimangot na naglakad.

"Ma, nandito na po ako."

"Dumaan dito si Clarity kanina hinahanap ka."

"Bakit daw po?"

"Hindi sinabi, ang sabi lang ay babalik nalang daw siya." Tumango nalang ako at nagchat sa group chat namin.

@Clarity Villariel, bakit?

Clarity

Wala lang, trip ko lang. Chos. Pupunta kami bukas sa Las Piñas.

Michelle

Anong chika?

Clarity

@Michelle, ang chika natin ay dapat mag move-on.

Michelle

Wew.

Oh, anong gagawin mo sa Las Piñas?

Clarity

Birthday ni Kuya Kian, sama kayo? Chos.

Siraulo talaga.

Clarity

Baka makita ko do'n yung pinsan ni ano!

Naku! Sabi ko na 'yon yung nasa isip niya.

Sira ang laki-laki ng Las Piñas. Malabo 'yon.

Clarity

Sabagay, sige na nga tulog na ako. Goodnight.

Hapon palang gaga.

Mga siraulo talaga.

Nagout na ako at nagpalit na kaagad ng damit, marami pa akong dapat tapusin.

Napahinto ako ng maalala ko si Christian,

Ano na kayang nangyari sa kanya? Tanong ko sa sarili. Dalawang araw na rin simula no'ng huli ko siyang makausap.

Bumuntong hininga ako at nag-open ulit ng mesenger. Ang dami niyang chats.

Christian

Hey, Nhicks. Look, I'm sorry. Usap na tayo, please.

Nhicks, hintayin kita.

Miss u. Pansinin mo na ako, oh.

Ilan lang 'yan sa mga chat niya.

Hey, Musta?

Pinindot ko na ang send botton. Nag delivered naman ito kaagad at ilang sandali lang naseen niya na.

Christian

Okay na ako kasi nagchat ka na. Akala ko hindi mo na ako papansinin :(

I'm sorry, busy lang.

Christian

Fighting! Nurse Nhicks.

Hindi ko alam ngunit napangiti ako kusa dahil sa sinabi niya.

Nag heart react ako sa chat niya at nagout na. Kagaya ng sinabi ko kanina, marami pa akong gagawin.

"Himala, good mood ka ata ngayon, Ate."

Nawala ang ngiti ko at masamang tinignan si Kurt.

"Oh?" Sinamaan ko siya ng tingin, alam kong aasarin niya lang ako.

"Noong nakaraang araw parang pinagsakluban ng langit at lupa 'yang mukha mo." Saad niya at tumawa pa nang malakas.

"Edi wow, do'n ka na nga." Nakakaasar talaga, good mood na sana ako.

That Playboy (Writers Love Series #2)Where stories live. Discover now