Chapter 15

4 2 0
                                    

Saktong pagkauwi ko sa bahay ng makatanggap ako ng chat mula kay Christian.

Christian

Mahal, nakauwi ka na? I'm home.

Yes, kararating ko lang.

Ibinababa ko muna ang cellphone ko para makapag bihis. Iniwan ko lang iyong nakalapag sa lamesa at pumunta na sa banyo.

"Nhicole!" Rinig kong sigaw ni Mama mula sa sala.

"Nagbibihis ako, Ma. Bakit po?"

Hindi na siya sumagot kaya't tinuloy ko nalang ang pagbibihis ko.

"Sino si Christian?" Saad ni Mama sa seryosong boses.

Napahinto ako sandali at kaagad tinapos ang pagbibihis.

Dali-dali akong lumabas ng CR at nadatnan ko si Mama na hawak ang cellphone ko.

"Ma.."

"Sino 'to?" Seryoso siyang nakatingin sakin.

"A-Ano po-..."

"Nhicole sumagot ka, sino 'tong Christian?" Nanggigigil na saad ni Mama.

"M-Manliligaw ko po, Ma..." Naiiyak na ako.

"Manliligaw? Nhicole naman."

"Ma..."

"Sabi ko sayo magtapos ka muna ng pag-aaral hindi ba? Ikaw nalang ang inaasahan namin ng Papa mo, graduating ka na, isang sem nalang."

"Ma, hindi naman po sa ganun..."

"Anong hindi sa ganun? Taga saan ba yan?"

"Hindi ko po ala-..."

"Hindi mo alam? Huwag mong sabihing hindi mo pa yan nakikita sa personal at nakilala mo lang online?" Napayuko ako dahil sa sinabi ni Mama.

"Nanliligaw pero Mahal ang tawag sayo? Nhicole ayusin mo naman."

"Sorry po...Ma."

"Ayusin mo yan." Saad niya at iniwan ako sa sala.

Napaupo ako at tuluyan ng umiyak.

Nakakapagod din pala...

Kakasimula palang manligaw ni Christian...

B-Bakit naman ganito? Hindi ba pwedeng sumaya rin ako? Kahit ngayon lang, hindi ba pwede yun?

Tutuparin ko naman ang pangako kong magtatapos ako ng pag-aaral. Masama bang... sumaya?

Napatingin ako sa cellphone ko dahil umilaw iyon, may nagtext.

Christian

Nhicks, I'm sorry.

Kumunot ang noo ko dahil sa nabasa.

Christian

I have a girlfriend, hindi ko pala siya kayang iwanan. I'm sorry, I'm really sorry...

Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa nabasa...

Spy ba ako nung past life ko? Masama ba ako dati?

Tangina.

Gusto ko lang naman nang totoong pagmamahal, mahirap bang makuha yun?

B-Bakit ba sakin nangyayari ang mga bagay na to?

Dinampot ko ang cellphone ko at lumabas ng bahay,

Hindi man lang ako nakapag-ayos, okay na to.

Pinagtitinginan ako ng mga nakakasabay kong maglakad, wala na akong panahon para pansinin pa sila.

Normal naman ang suot ko, pajama at t-shirt habang naiyak. Normal naman yun diba?

Napatingin ako sa langit nang may pumatak na tubig sa kamay ko,

Nagdidilim ang kalangitan, nagsimula nang pumatak ang ulan..

Kapag minamalas ka nga naman oh!

Bakit ngayon pa?

Nagdadabog na pinadyak ko ang aking mga paa.

Onti-unti nang lumakas ang ulan, napalingon ako sa paligid. Bukod sa isang mini bar na bukas ay wala ng iba pang pwedeng silungan.

Napabuntong hininga ako, ayos na yan kesa magkasakit.

Dali-dali akong naglakad upang makapasok sa mini bar na iyon, seryoso pa akong tinignan ng guard dahil sa suot ko pero pinapasok niya pa rin naman ako.

Amoy ng alak at sigarilyo ang bumungad sakin, at malakas na tugtog kung saan may mga nagkakasiyahan sa gitna.

That Playboy (Writers Love Series #2)Where stories live. Discover now