Special Chapter

13 2 0
                                    

"Who you?" Mataray na tanong ni Nhicole. Hindi pa ako nakakasagot ay nawalan na siya ng malay.

Kahit lasing ay ang taray niya pa rin.

Kanina ko pa siya nakita rito sa bar. Hindi ako makalapit dahil umiiyak siya habang umiinom kaya't tinitignan ko nalang siya mula sa malayo.

Hindi na sana ako magpapakita sa kanya nang bigla siyang tumayo, nakita ko naman ang agaran ding pagtayo ng isang lalaki na kanina pa nakatingin sakanya kaya't kaagad ko siyang nilapitan.

Bakit ba mag-isa lang siya. Nasaan ba sila Clarity. Pinasok ko siya sa isang kwarto. Lasing na lasing siya. Halata namang hindi siya nainom.

Inilapag ko siya sa kama.

"C.... Christian." Nakapikit na saad niya, "B...Bakit?" Nagsimula na siyang umiyak, nataranta ako kaya't lumapit kaagad ako sa kanya.

"Nhicole..."

Nagmulat siya ng mata....

"Ibraim?" Tinitigan niya pa ako na parang sinusuri kung ako ba talaga ang nasa harapan niya.

Tumawa siya kaya't nagulat ako, "K....Kayong mga lalaki, ang hilig niyong manakit."

Gusto kong magreklamo, bakit nadamay ako? Ni hindi niya ako napapansin. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya.

"Ang lalakas niyong mag-cheat, akala mo ang po-pogi. Pangit niyo."

Nakinig lang nasabihan pa ng pangit.

Nagulat pa ako ng magmura siya, "Huwag ka lang papakita sakin, itatapon talaga kita sa Mayon. Ipapakain kita sa uod."

Galit na galit talaga siya, kung magsasalita ako ay baka sakin pa mabaling ang galit niya.

Matalim na tumingin siya sa akin, "Kaya ikaw, wait... Sino ka nga ulit?" Pumipikit-pikit pa ang mata niya.

"Ibraim."

"Ibraim? Teka, k..kilala kita. Babaero ka rin." Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Tumaas ang kamay niya at dumapo iyon sa buhok ko, halos maiyak ako ng sabunutan niya ako. Ganito ba talaga kalaki ang galit niya sakin? Kulang nalang ay tanggalin niya na pati ang anit ko.

"I....Ikaw! Isa ka pa, kung sinu-sinong babae ang kasama mo. Iba-iba kada araw. Hays! Mga lalaki talaga!"

"Huh? Iba-iba?" Nagtatakang nakatingin ako sa kanya. Iyon bang mga kausap ko sa University? Ganon pala pala ang tingin niya, e mga president yun ng club e. Malamang ay kailangan ko silang kausapin para sa event.

"Isa pa! Si Athena-..."

"Athena? Yung pinsan namin ni Bruce?"

"Pinsan?"

Tumango ako. Magpipinsan kaming tatlo, naiba lang ang surname ko.

"Hays basta! Magtino ka!"

Tumango nalang ako, baka mas lalo pa siyang magalit. Masakit pa rin ang anit ko, ayokong masabunutan ulit.

"Okay, sabi mo e."

Pumikit siya sandali, pagkamulat ay mapungay na ang mga matang nakatingin sakin.

Ikinawit niya ang dalawang kamay sa balikat ko, anong ganigawa niya?

"Nhicole...." Kinabahan ani ko.

"Hmm?"

"Anong ginaga-..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko, dahan-dahan siyang lumapit sakin habang nakapikit.

Ilang sandali pa'y naramdaman ko ang labi niya sa labi ko.

We kissed.... I tried to control myself. But then, hindi ko na nakontrol, bumigay ako. Mali to Ibraim, lasing siya.

May nangyari saming dalawa habang lasing siya.

Gusto ko siya, oo, pero hindi sa ganitong paraan ko gusto na mangyari to. Ni hindi pa nga niya alam na gusto ko siya.

Pananagutan ko ang ginawa ko...

Nagising nalang ako kinabukasan na wala na siya sa tabi ko...

That Playboy (Writers Love Series #2)Where stories live. Discover now