Chapter 21

421 13 0
                                    

Chapter 21

"Happy birthday , beautiful" ngumiti ako sa bati ni Jerson. Nakalahad ang kamay niya sa akin. Nakasuot siya ng itim na tuxedo na may asul na necktie. Nakataas rin ang buhok niya.

Ang gwapo din ng isang ito eh.

Tinanggap ko ang kamay niya. "Thank you" aniko. "Ang gwapo mo din ngayon"

"Ngayon lang?" tanong niya at nagkunwaring sumimangot. Natawa nalang ako. "Sira"

Inangkala niya ang braso niya ng makakababa na kami sa huling baitang ng hagdan. Kinawit ko ang kamay ko sa braso niya at tumingin sa mga taong nakangiti sa amin.

Dinala ako ni Jerson sa upuan ko at nagsimula na ang programa. Napuno ng tawanan at iyakan ang buong bahay ng magsimula na ang 18th wishes at messages.

"I know it might sound corny but , even you are already at the right age you are always be my princess , Ivy" huling message ni Kuya Arcin. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at niyakap siya.

Sumunod na nag message ay si Kuya Axcel. "I love you my little angel. Happy birthday" aniya. Ngumiti ako. Marami pa siyang sinabi na nag patawa at nag paiyak sa akin.

"Hey there little baby"paunang sabi ni kuya Azrel na nagpasimangot sa akin. "I wish you all the best. Alam ko minsan nagiging gago kami—(wag mo kaming idamay Azrel!) singit nila kuya Alvis na nagpatawa sa lahat.

"Perehas lang tayong apat, wag kayong magmalinis!"sigaw na balik naman ni Kuya Azrel sa kanila. Napailing nalang ako.

Kelan kaya sila mag babago?

Nang matapos si Kuya Azrel sa maliit niyang mensahe ay sumunod naman si Kuya Alvis na nakangisi. I just rolled my eyes.

"Happy birthday my baby girl" ngiti niya. Huminga siya ng malalim bago kumamot sa ulo niya. "Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko" aniya na nagpatawa ulit sa amin.

"Babatiin nalang ba kita?"hindi siguradong tanong. "Ewan ko sayo Kuya" aniko.

"Okay , happy birthday Ivy. Yun lang—ohh! Meron pa pala. Wag na wag kang magkakagusto sa Labrador na yon ah!? Babarilin ko talaga siya!"aniya at sumulyap pa kay Jerson.

"Kuya!"saway ko. Ngumiti lang siya bago lumapit sa akin at niyakap ako.
Sunod naman nagbigay ng mensahe ay si Mommy at Daddy. Sunod si Misha. At sa huli ay si Arvin—Kuya Arvin!

I sighed.

Bakit ko nakakalimutan na tawagin siyang Kuya? Kainis!

Nang umakyat sa stage si Kuya Arvin ay natahimik silang lahat. Nakatingin lang ako sa kaniya habang may hawak na wine at ang isang kamay naman ay nakahawak sa microphone.

"Good evening" bati niya sa lahat bago tumingin sa akin. "Happy birthday again , Ivy" ngumiti ako sa kaniya.

"First of all , I want to say sorry for everything that  I've done to you. I know that I'm an asshole. And I know that I don't deserve your forgiveness. But I'm still glad that you give me a chance–no you give us a chance. I'm sorry for not attending every birthday you had. I regret it Ivy. And I promise that I will make it up to you. Babawi si Kuya sayo."sinserong aniya , pinahid ko ang mga luhang kumawala sa pisngi ko. Tinapos niya ang speech niya sa akin bago lumapit at niyakap ako.

"Happy birthday" he whispered. "Thank you"

Pagkatapos ng mga mensahe ay sumunod na ang 18th roses.

My first dance is my father. Kinuha ko sa kaniya ang isang pulang rosas bago kami nagsimulang sumayaw.

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon