Chapter 49

379 11 0
                                    


Chapter 49

"I miss you" aniya.

Para akong nabingi sa narinig ko. Hindi mag sink-in sa utak ko ang sinabi niya. "W-what?"utal kong tanong. Ngumiti lang siya sa akin bago umiling.

"Nothing"

"Pero may sinabi ka"

"Wala lang yon. Gusto ko lang tulungan ang kapatid ko"aniya. Natigilan ako. Ang salitang kapatid na galing sa bibig niya ay nagpabigat sa puso ko.

Ano pa nga bang inaasahan ko diba? Sa limang taon na nagdaan , tanga nalang ako para umasa na ako parin ang mahal niya.

Lumapit ako sa kaniya para kuhanin ang mga pinamili ko. "Yeah right. Thanks"aniko at pilit na ngumiti.

"So see you around"mabigat ang loob na ani ko at tinalikuran na siya. Bakit ba ako umasa?

Pumara ako ng taxi at tuloy tuloy na naglakad papunta sa condo ko. Binuksan ko ang pinto bago tamad na umupo sa sofa. Nakatulala lang ako sa kawalan habang paulit ulit na umeecho sa pandinig ko ang salitang 'kapatid' na nanggaling sa bibig niya.

Nabalik lang ako sa reyalidad ng tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa table. Kinuha ko iyon at pinindot ang answer button ng hindi tiningnan kung sino ang caller.

"Hey Ivy!"rinig kong bati ni Misha sa kabilang linya. Inalis ko ang telopono ko sa tenga at tiningnan ang pangalan niya sa screen.

"Misha"

"Are you free tonight?"she asked. My forehead creased. "Why?"

"Hehe nag paparty kasi si Ava"aniya.

"Ava?"

"Yes. Yung doctor na kasama ni Arvin sa isla nung birthday mo" paliwanag niya. "Para saan ang party?"

"Birthday niya ngayon. Imbitado lahat"aniya. Hindi ko alam na close na pala sila.

"Close kayo?"

"Hahha mahabang kwento. Hindi mo ba alam na nililigawan yon ni Alvis?"

Nanlaki ang mata ko. Nililigawan ni Kuya Alvis!?

"Ha!? Paano?"

"Well matagal ng nagliligaw ang kapatid mo na yon sa kaniya. Eh ayaw naman ni Ava kasi bata pa daw si Alvis. Kaya ayon , habol ng habol si gago"paliwanag niya na tumawa pa sa kabilang linya. Habang ako naman ay hindi makapaniwala sa narinig.

Bakit hindi ko alam yon? Sa bagay limang taon rin akong nawala. Syempre madaming nag bago.

"So ano? Punta ka? Masaya yon. Nandun din lahat ng mga unggoy mong kapatid"aniya. Natawa nalang ako. "Haters ka parin? Ikakasal ka na nga sa isang unggoy eh"tuya ko sa kaniya.

"Iba naman yon! Hmmp! Basta punta ka ah? Text ko sayo yung location. Mwahhhhhhh! Bye Ivy"paalam niya. Nang ibaba ko ang tawag ay napahinga nalang ako ng malalim.



Tumayo ako sa sofa at dumeretso sa kusina upang ilagay sa ref ang mga pinamili kong grocery.



Tinitigan ko ang mga karne na binili ni Arvin. Ano namang gagawin ko rito? Pipirituhin kong lahat? Baka masunog lang.


Pero pwede ko naman tong pag-praktisan diba? Napangiti ako sa naisip. Sasagipin naman ako ni google.


Bumalik ako sa sala upang kuhanin ang cellphone. Nag search ako roon kung paano ba magluto ng adobo. Nang magawa ko iyon ay sinundan ko ang mga procedure. Hirap na hirap pa akong hiwain ang mga karne.



Intense Thorn of Love (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora