Chapter 38

329 16 0
                                    


Chapter 38

Inilipat namin si Daddy sa private room. Nasa loob kaming lahat ng silid niya habang nakikipag usap sa mga doctor na umasikaso sa Daddy namin.



"We need to transfer him a blood as soon as possible"sabi ng mukang head ng ospital.


Tumango naman ang mga kapatid ko. Mabilis akong lumapit sa kanila at ngumiti sa doctor. "I can offer my blood"sabi ko. Nanlaki ang mata ng kapatid ko at agad umiling.


"No princess, you can't do that"

"Its to dangerous , angel"

"Hindi pwede little baby"

"Kami nalang ang magsasalin ng dugo kay Daddy baby girl"

Kumunot ang noo ko sa sunod sunod nilang sinabi. "Bakit naman hindi? Gusto ko lang naman iligtas si Dad" inis kong saad sa kanila.


"Ivy"tawag sa akin ni Arvin at hinawakan ang braso ko bago umiling. "It's too dangerous" aniya.


"But I want to help"pilit ko sa kanila. Bakit ba ganyan sila ka OA pag dating sakin?



Ano namang masama kung tulungan ko si Daddy diba? At isa pa , hindi ito ang tamang oras para maging protective sila. Konting dugo lang naman ang kukunin sa akin.


"Ivy"angal nila sa akin pero umiling ako. Tumingin ako sa doctor at ngumiti. "You can have my blood—"


"NO!!"sabay na sigaw nilang lima. Tumingin ako sa kanila at ganon na lamang ang gulat ko ng makita ang halo-halong emosyon sa kanilang mga muka. Pero higit na nangingibabaw doon ang kanilang takot.


Kumunot ang noo ko. Bakit ganon ang reaksiyon nila?

"Ivy , hindi mo naman to kailangang gawin. Hayaan mo na ang mga kapatid mo" saad ni Mommy kaya bumaling ako sa kaniya.


Pilit siyang ngumiti sa akin kahit kita ko ang parehong takot sa mga mata niya gaya ng kina Kuya.


"I want to help. Bakit ba ayaw niyo?"tanong ko.


"We can do it , angel"ani Kuya Axcel. Pero umiling ako. "Kaya ko rin namang gawin yon"mahinang ani ko.


Umiling silang anim sa akin. Mas lalo tuloy akong nagtaka.

"Ivy"tawag sa akin ni Arvin. "Just let us do it—"


"Eh bakit ba ayaw niyong ako ang gumawa!? Gusto ko lang din naman na iligtas si Daddy! Bakit ba ang OA niyong lahat!?"hindi ko na napigilan ang pag taas ng boses ko. Hindi ko sila maintindihan.


Galit akong nag iwas ng tingin sa kanila bago humarap sa doctor na naguguluhan rin sa amin.


"I-try niyo po ang dugo ko"


"Ivy"rinig kong tawag ng mga kapatid ko pero hindi ko na sila pinansin.


Nag aalang tumingin sa akin ang doctor bago bumaling sa mga kapatid ko. "Are you sure Miss Del Carmen?"tanong niya.


"Opo"

"Okay. But we need to test your blood first" ngiti ng doctor sa akin.

"Doctor Diaz!"banta ng mga kapatid ko. Kita kong natigilan ang doctor at namumutlang tumingin sa kanila.


Inis akong bumaling sa kanila. "Kapag nalaman ko na nasesante si Doctor Diaz hindi ko kayo kakausapin kahit kelan"banta ko sa kanila.

"Ivy naman"

Intense Thorn of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon