Chapter 28

1.2K 63 3
                                    

"Hop in, ako na maghahatid sayo."

"No its okay saviel, ate eli will be here in any minute." I answered, ilang araw na rin akong umiiwas sakanya actually, simula ng makausap ko si akira sa restroom ay iniiwasan kona siya at ngayon mukhang nakakahatala na ito. I don't really know why i'm doing this. Maybe just to save myself from heartbreak? Ayokong umasa o masaktan.

But.. in all of that pinakatakot ako sa magiging tingin ng ibang tao sakanya, napagisip isip ko, if ever hindi ko rin naman mapapanindigan dahil si saviel siya. she should be with someone na maihaharap niya sa daddy niya sa buong angkan niya and she's  straight ayokong kutyain siya ng mga tao dahil lang sakin, i would never let anyone disrespect or mocking her dahil kung may makarinig man ako. Hinding hindi ko alam kung anong magagawa ko

"I said get in—" she was cut off when a guy tap her shoulder na ikinalingon niya agad

Sino paba? Edi yung hilaw na laging nakasunod sakanya, dahil na rin sa lalaking yan ay napapadali ang pagiwas ko sakanya kahit na medyo masakit sila sa mata

lumingon muna siya sandali sakin bago sila lumayo mukhang may sasabihin sakanya yung lalaki, seryoso lang silang naguusap, pero dahil ayoko ng panoorin pa sila ay wala narin akong balak antayin ang pinsan ko at mabilis na naglakad nalang sa waiting shed

Magtataxi nalang ako

Pero bago pako makasakay "kanina pa kita inaantay!"

Tiningnan ko kung sinong humablot sakin only to see..seah frowning while looking at me

"H-hey what are you doing here?" I asked consciously

"Duh! May usapan tayo diba? Magkikita tayo after your class today?" napairap naman ako, we just met last time para mameet yung kapatid niya, mabilis kong nakasundo yung kapatid niya ang bait din kasi parang siya aminin nanatin "so ano? tara na"

Napailing nalang ako at sumakay na sa sasakyan neto "saan nanaman ba tayo pupunta?" I asked lazily

"Uhm i don't know! I just wanna be with you, i'm bored" she giggled

matamlay na napasulyap naman ako sa bintana habang nakikinig sakanya "i'm hungry seah kain tayo" mahinang sabi ko rito

"Is there something wrong? Bakit parang matamlay ka?" Usisa neto habang nagddrive

"Wala, gutom lang" i answered flatly

"liar" she smirk "pero okay! where do you want to eat?" She asked and gave me a glance

"Ikaw nalang bahala" tumango nalang ito at nagdrive nalang and the whole ride ay nakikinig lamang ako sa kwento niya about this guy i don't know, lagi daw sumusunod sakanya wherever she go and this week lang daw nalaman niya na kakilala nung lalaking yon ang big brother niya at lagi na siyang kinukulit daw

I gave her a small smile "maybe he likes you" i replied

"that's what he said but the fucc! i don't like guys na sobrang daming tattoo and you know what he said when i told him that?" I raised my brow urging her to continue "sisimulan na daw niyang ipabura kapag sinagot ko siya, crazy right?!" natawa naman ako, kahit kakakilala ko lang rito she never failed to make me laugh, she's funny to be with for real para din kasing bata to kung minsan

"mabait naman ba?" I asked

Napanguso naman siya at umirap "he's like some a walking headache! nakakainis sobrang punong puno ng hangin sa utak, okay pa sana nung una if he didn't just meddle when i was about to go out with chantel" she rant, yea umamin na to sakin. She has a thing with her bestfriend, friends with benefits kuno pero tinitigil na niya dahil marami na daw siyang narerealize ngayon, if i know tsk

Unexpectedly inlove [GL'S SERIES #1]Where stories live. Discover now