Chapter 63

575 16 4
                                    

Pia's POV

Medyo masakit pa ang ulo ko dahil kagabi mabuti na lang walang klase kami nung umaga. Pero nag enjoy naman ako at masaya para kay Sha.

"Pwede ba sumakay ka sa mga gagawin ko kapag kaharap natin sila?"

Nilingon ko ang nag mamaneho si Liam. Meron kasi ngayon family dinner sila at kasama na don ang family ko kaya kelangan namin mag pangap ngayon.

"Oona pero bawal ang kahit anong hawak o k-kiss''

"Nah, satingin mo ba hahalikan kita?" Tumawa sya at tiningnan nya ako sa rearview mirror. "Depende kung gusto mo din"

"Dahhh ang kapal mo!"

Nakarating kami sa bahay at sinalubong kami nila mommy at Daddy pati na rin ang parents ni Liam.

"Mukhang nagiging ok na kayo ah. Salamat naman kung ganon at hindi na pala kami mahihirapan pag kasunduin pa kayo"

Ngumiti lang ako kay mommy at biglang naramdaman ko meron umakbay sakin.

"Opo naman tita. Mag kasundo mag kasundo nga po kami ni Pia. Diba Pia?"

"Ha? Ah eh opo he-hehe" sabi ko kasabay ng pilit ko tawa

"That's good ipag patuloy nyo lang yan"

Nag patuloy lang kami kumain. Naasar ako sa pag papangap na to. Hindi ako sanay na magpangap sa harap ng mga tao lalo na kina mommy.

Halos ang usapan nila ay tungkol lang sa negosyo. Negosyo? Pati anak nila ay kailangan idamay sa negosyo ?

"Yahh, alam ko nandito na sila ngayon sa pinas medyo matagal na rin"

"Really? "

"Yup. At ang anak nila ang nag hihirap ngayon. Ang alam ko din nabaliw si miss De leon at ngayon ay may malalang sakit"

Mula sa pag kakayuko ko dahil sa kumakain ako ay napatingin ako sa kanila nag uusap. Kay mommy at sa ina ni Liam.

"Hindi naman namin gusto ang ng yari sa pamilya nya. It's a bussiness at matagal na rin pabagsak ang negosyo nila so wala na rin kami kinalalaman sa kanila"

"De Leon? Pina bagsak na kumpanya?" Hindi ko na napigilan na sumabat sa usapan nila. Masama ang kutob ko nuong narinig ko pa lang ang apelyedo yon.

Pero malabo sila yon?

"Pia manners! Hindi ka dapat nakikisabat sa usapan namin" sabi ni mommy

"Ah eh Mom and tita excuse lang po pupunta lang kami sa garden ni Pia" hinawakan ni Liam ang braso ko at hinihila.

Ayoko sana umalis don pero nahila na ako ni Liam. Hindi naman napansin siguro nila mommy at nag patuloy sila ng pag uusap.

"Ano ba bitawan mo ako! Bakit mo ba ako hinila dito?"

"Paano ba kita hindi hihilahin eh sumasabat ka sa usapan nila? Gusto mo ba magalit nanaman sayo ang mommy mo?"

"So concern kana saken?" Tanong ko habang naka pameywang.

"No! " at umupo sya sa upuan. Nandito na kami ngayon sa garden nila. Napakalaki ng bahay nila at halos malaki pa sa mansyon namin.

"Alam mo ba yung pinag uusapan nila?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin sya pero iniwas din agad ang tingin nya sakin.

"Ano ba yung pinag uusapan nila? Meron pinabagsak ang pamilya namin? Sino ? De leon?"

Pero hindi sya sumagot kaya lumapit ako sa kanya at hinilahila ang damit nya
"Bakit ayaw mo ako sagutin? Sige na may alam ka ba don? Sige na sige na"

ECHOSERANG NERD meets MR. MASUNGITWhere stories live. Discover now