Chapter 64

735 22 1
                                    

Shani's POV

Medyo puyat ako papasok sa school ngayon dahil sa pag aalala ko kay Pia. Masakit din para samin malaman na nasasaktan sya ngayon.

Naikwento saamin ni Liam ang lahat. Hindi pa kasi sya umuuwi hangang ngayon. Nag txt naman sya sa amin na wag na kami mag alala dahil kelangan lang nya mapag isa.

"Are you ok? "Nilingon ko si Kenzo na nasa tabi ko ngayon. Naka upo na kami at hinihintay lang ang teacher namin "Kanina ka pa kasi tulala dyan"

"Naisip ko lang kasi si Pia kung ayos na sya. Gusto ko gawin ulit yung mga bagay na ginagawa ko kapag sinasaktan ng iba ang kaibigan ko pero baka maging kumplekado lang. Iba na kasi ngayon, masyado na nya minahal ang Zander na yon"

Ipinatong ni Kenzo ang kamay nya sa ibabaw ng kamay ko "Magiging ok ang lahat.. hayaan na lang na makapag isip sya" ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Shani pinapatawag ka sa principal's office" sabi ng isang classmate namin na kakalapit lang.

Nanlaki ang mata ko nung naalala ko meron pa pala ako tinatago. Nakailang lingo na rin at nag hahantay na sila ng kasagutan ko.

Napalingon ako kay Kenzo na nakakunot ang noo.

"Bakit ka pinatatawag?"

"Ha ano wala siguro ano tungkol sa scholar ko?"

Ngayon mas lalo kumunot ang noo nya at parang taka taka sya "Scholar? Ano problema sa scholar at kelangan ka pa ipatawag? Naayos ko na lahat at wala na silang dapat questionin don"

Hayys Sila nga pala ang may ari ng school na to. Good job Shani sa pag papalusot ang galing mo clap clap!

"Pero kailangan ko pumunta don"

"Okie then let's go?" Tumayo sya at parang niyaya nya ako pumunta na don

"Ha? Sasamahan mo ako? Dito ka na lang mabilis lang naman ako eh ano sige na maiinip ka lang don"

"Are you hiding something?" Bigla naman bumilis ang tibok ng puso sa kaba "I know you"

"Ha? A-ano wala sige tara na"

Wala na ako nagawa kundi isama sya papunta principal office. Hindi ko man gusto itago sa kanya to pero gusto kapag buo na ang disisyon ko tsaka nya malalaman. Mabuti naman at naintindihan ako ng assistant at principal kaya kahit kina Kenzo ang school na to ay di nya nalaman.

Habang papalapit kami sa principal's office ay bumibilis ang tibok ng puso ko.
Waaaahh gusto ko kainin ako ngayon din ng lupa at mamaya na lang iluwa.

"A-eh ang ganda ng araw oh dapat hindi sinasayang ang ganyan kaganda panahon. Alam mo ba na maganda sa katawan ng tao ang mamasyal ngayon?" Tumigil kami at tingnan nya ako ng kunot noo..

"Okie mamaya "at nag patuloy mag lakad kaya sinundan ko sya

"Pero mamaya mataas na ang sikat ng araw at hindi na maganda yon"

"Pero pinatatawag ka sa principal's office diba?"

"Ha? Pwede naman siguro mamay---"

Nagulat ako ng hinarap nya ako na seryoso ang mukha. "Tapatin mo ako meron ka ba tinatago?"

Napayuko ako dahil sa totoo lang nahihiya ako sa kanya dahil tinago ko pa sa kanya ang tungkol dito

"Nag offer ka----" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita na ulit sya

"So ikaw ang napili nila?"

Napatingin ako sa kanya.. ang hirap sumagot kung oo o hindi pero napatango na lang ako..

ECHOSERANG NERD meets MR. MASUNGITWhere stories live. Discover now