Chapter-41

979 27 2
                                    

Shani's POV

Nagising ako sa sinag ng araw. Umaga na pala. Babangon sana ako ng mapansin ko hindi ko kwarto to.

Nasaan ako???

Inilibot ko ang mata ko at nahagip ko ang isang lalaki natutulog sa sofa. Lumapit ako at nakita ko si Kenzo pala yon.

Malayo malayo ang maamo itsura nya ngayon natutulog sya sa itsura nya kahapon na parang papatay.

Naalala ko tuloy ang ng yari  at ginawa sa akin. Nag papasalamat ako dumating sya kung hindi, siguro kung ano masama na ang ng yari sa akin.

Naisip ko mag pasalamat sa kanya kaya naman kahit medyo masakit ang katawan ko pumunta ako sa kusina para naman ipag luto sya

Nag hanap ako ng pwede iluto, mabuti na lang pala meron sya stocks dito.

Sinimulan ko lutuin ang caldereta. Naalala ko nung kumain kami sa pyestahan at hindi nya alam kung ano ulam yon. Natatawa na lang ako.

Natatawa ako dahil para sya inosente bata at walang kaalam alam. Pero kapag pinakain halos maubos na..

Natapos ko lutuin yon. Inayos ko na ang lamesa.

Babalik na sana ako sa kwarto para gisingin sya ng mapansin ko ang mga litrato sa sala.

Nakita ko ang picture nila ni Loisa, hindi ko alam ang na fefeel ko pero syempre hindi ko maiwasan mag isip.

Minahal nya ba si Loisa? at ganon na lang din nya ako kabilis minahal?

Hinawakan ko ang litrato mag kasama sila. Halatang masaya sila sa larawan. Nakita ko rin ang mga picture nilang FBB, pero hindi kasama si Joshua, Greg at Vince. Iba ang nandito.

Namumukaan ko ang isa, eto yung sinasabi ni Pia na ka chat nya. Ibig sabihin isa rin sya sa FBB? nasaan na yung dalwa?

Nahagip pa ng isang mata ko ang picture ni Kenzo kasama ang isang maganda babae.

Kukunin ko na sana para tingnan ng biglang naramdaman ko meron yumakap sa likuran ko.

"Baby ko , hinanap kita akala ko umalis kana "

Hinarap ko sya at ngumiti sa kanya "Masyado kasi mahimbing ang tulog mo kaya hindi na kita ginising"

Yayakapin nya ako ng pigilan ko sya. "Opss, bawal ang sweet kapag umaga. Tara dito at kumain ka muna"

Kunot noo nanaman nya ako tiningnan "Ha? hindi pa ako nakaka order. Wait lang, mag papadeliver lang ako"

Pinigilan ko sya umalis at ngumiti sa kanya "Siguro puro pa delivery na lang ang kinakain mo. Tara na sa kusina at kumain kana don"

"Nag luto ka?''

Tumango lang ako sa kanya. Napangiti naman sya. Pumunta na agad kami sa dining area para kumain.

Halos maubos nya lahat. Para bang isang lingo sya hindi kumain.

"Kelangan ko na rin umuwi" sabi ko

ECHOSERANG NERD meets MR. MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon