Chapter Thirty

2.8K 62 16
                                    

"H-hi, Babe." Kinakabahang bati ni Julie sa kasintahan. Yumuko siya't hinaplos ang noo nito at hinalikan sa labi but Elmo just stared at her blankly. Napalunok siya ng wala sa oras. "H-have you had your lunch?" She asked as she sat beside him, paharap sa binata.

Elmo nodded. "Had it with Andrea." Malamig na tugon nito. "You should go home, mukhang napagod ka sa workshop eh." Pagtataboy nito kay Julie.

She shook her head. "I'm good. Mas okay kung nandito ako." Umusog siya ng kaunti. She rested her head on his chest habang nakasandal pa rin si Elmo. Nakakangalay man ang posisyon niya ay wala siyang pakialam. Kailangan niyang lambingin ang binata.

Hindi inuungkat ni Elmo ang pagsisinungaling ni Julie sa kaniya. Gusto niya na ang dalaga mismo ang magsabi tungkol dito.

"Anong ginawa dito ni Andrea?" Mahinang tanong ni Julie.

"Diba kanina sinabi niya sayo na dinalaw niya lang ako? Narinig mo naman eh."

Napasimangot naman si Julie. "Sungit mo naman." Iniangat niya ang kaniyang katawan at itinukod ang mga kamay sa balikat ni Elmo. Tinitigan niya sa mga mata ang kasintahan. "Huwag ka na magtampo." She kissed his lips.

"I'm not." He replied. "Umuwi ka na." Saka ito nag-iwas ng tingin.

"You are."

"Hindi nga. Umuwi ka na." Ulit ni Elmo.

She let out a sigh. "Why are you pushing me away?"

"I just want you to rest." Kunyaring katwiran ni Elmo.

"Pwede naman akong magpahinga rito. Sa sofa." Nakangusong sambit ni Julie.

"Eh di okay." Elmo shrugged.

Julie cupped his cheeks. "Baby, huwag ka na nga kasing magtampo. Please?" Pakiusap nito.

"Magpahinga ka na." Tila walang narinig ang binata.

"Tsk." Niyakap niya si Elmo. Muli siyang napasimangot nang hindi man lang niya naramdaman na gumanti ito ng yakap. Ni hindi nito hinaplos ang likuran niya o di kaya ay ang buhok niya. "I love you." She said.

Elmo closed his eyes.

Naghihintay ng response si Julie mula sa binata pero hindi naman ito umimik.

Unti-unti nang tumutulo ang mga luha ni Julie. Hindi niya maintindihan ang sarili. Siya ang may kasalanan sa kanilang dalawa ni Elmo pero, siya pa itong naiyak.

"You asked me kung hindi ba ako magiging c-cold.." she sobbed. "..sayo tapos.. tapos ikaw 'tong cold s-sakin.." saka pa ito umiyak ng umiyak.

Napapikit nang mariin si Elmo nang marinig ang sinabi ni Julie pati na rin ang mga hikbi nito. Ito pa talaga ang mas nag-iinarte sa kanilang dalawa.

"Julie Anne. Ano na naman ba 'yang sinasabi mo?"

Inayos ni Julie ang pagkakaupo saka pinahid ang mga luha. "You're acting cold towards me."

"Paanong hindi ako magkakaganito?" May pagkasarkastikong tanong ni Elmo. "Nag-agree ka na sabay tayong maglalunch tapos hindi naman pala!"

Tumingala ang dalaga. Hindi siya makapaniwala na ito lang ang dahilan ni Elmo. "My god, Elmo. Nang dahil lang sa hindi tayo nagkasabay maglunch, nagkakaganiyan ka na?!" Inis na sambit ng dalaga habang nakatingin sa kasintahan. "Ang babaw mo."

Elmo smirked. "Mababaw ako? Mababaw ako kasi ayun lang yung reason ko? Well, Julie, guess what? Meron pa."

Tumayo si Julie at humarap na nakapameywang sa kausap. "What is it? Tell me."

My Right Kind Of WrongWhere stories live. Discover now