Chapter Forty-four

1.7K 67 12
                                    

Sabaw.

~~

"I hate you, Daddy.. Ayoko sayo.."

Agad na nagising si Julie nang marinig ang boses ni Maddie. She's having a bad dream. Umiiyak ito at nagsasalita habang natutulog. Marahil ay napanaginipan nito ang mga nangyari kanina.

"Baby.. Shh.. Mommy's here, Sweetheart.." Bulong ni Julie sa anak habang patuloy na hinahaplos ang ulo ng bata.

Unti-unting dumilat si Maddie. "M-mommy.. I wanna go home now. Please, Mommy.." Pagmamakaawa nito saka yumakap kay Julie.

"We will, Baby.. Tomorrow paggising mo, aalis na tayo. Okay?" She hugged her back then kissed her head.

It's eight o'clock in the evening. Matapos ang nangyari kanina ay hindi na sila lumabas ng kwarto maliban kay Elmo. She doesn't have an idea kung nasaan ito ngayon. Maybe she's with Isabelle. She thought. At parang may kumurot naman sa puso niya nang maisip niya iyon. Mula kasi ng lumabas ang binata mula sa kwarto ay hindi na ito bumalik hanggang sa nakatulog na silang mag-ina.

Gustung gusto niyang tawagan ang mga magulang niya o di kaya ang mga magulang ni Elmo o si Maqui. Ang kaso, sira ang cellphone niya dahil sa pagkakahagis ni Elmo. Basag ang screen nito at hindi na mabuksan. Wala pa naman siyang extra phone.

"I want to go home now.. Ayaw ko dito.." Ungot na naman ni Maddie na nagsisimula nang magdabog.

"Madison, tomorrow's our flight. Hindi pa tayo pwedeng pumunta sa airport because it's too early." Napatingin siya sa wallclock. "Eight o'clock pa lang oh. Don't worry, makakauwi tayo bukas."

"A-ayaw.. Ayaw ko, Mommy.." Humihikbing sambit ng bata. "Please, Mommy.. I don't want to stay here.."

"Madison, if you really wanna go home, susundin mo ko. Two o'clock ng hapon ang flight natin bukas. Hindi tayo pwedeng umalis ngayon kasi wala tayong matutuluyan. Do you understand?" Mahinahong paliwanag ni Julie. Pinaupo niya ito saka ikinandong.

Buo na ang desisyon niya na umuwi bukas sa maynila. Hindi niya makakaya pang matulog sila ng isa pang gabi dito sa bahay ni Elmo. Nag-iisip na siya ngayon ng paraan kung paano niya ioopen ang problema sa mga magulang ng binata.

"N-no. We can check in naman sa hotel eh.."

"Julieanne Madison, masyado nang gabi and we don't have a car. Mahihirapan tayo maghanap ng hotel." Hinahabaan niya ang kanyang pasensya. Kahit na gusto niya nang pagalitan ang anak niya ay pinipigilan niya ang sarili. Baka kasi tuluyang magwala ito kapag nasigawan pa niya. "Are you hungry?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Opo but I don't wanna eat." Masungit na tugon ni Maddie. "I wanna go home."

She released a sigh. "Madison, gusto mo bang magalit ako sayo?"

Tumingala si Maddie at tinitigan ang ina sa mga mata. "Ayaw.."

"Right. Kung ayaw mo, kakain ka. After ng dinner, you'll wash up at matutulog na. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Hindi po tayo magchecheck in sa hotel tonight?" Nakakunot noong tanong ni Maddie.

"Baby, diba nga gabi na? Maraming monster--"

"Monster?!"

Lihim na nangiti si Julie. Sa wakas, unti-unti nang nawawaglit sa isip nito ang ipinipilit nito. "Yes, gusto mo bang kainin--"

"No, Mommy! Please! Let's stay here muna.." Takot itong yumakap ng mahigpit sa ina.

"Okay. Just stay here muna. I'll get some food for your dinner. Huwag kang lalabas ha?" Bilin ni Julie. Inilapag niya si Maddie sa

My Right Kind Of WrongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora