Chapter Thirty-Four

2.1K 54 3
                                    

AN: Short-non-sense update.

~~

"You need to act as a real couple, Julie. Para mas maging effective yung team up niyo ni JC."

Shock is written all over her face. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa direktor ng kaniyang bagong teleserye.

Yes, she accepted the offer. Pumayag na kasi si Elmo, two weeks ago at ngayon na ang first day of taping.

She and her boyfriend had a short vacation at Baguio, one week after their monthsary. Tatlong araw sila doon at todo lambing siya sa kasintahan para lang pumayag ito. May kaisa-isahang rule na sinabi sa kaniya si Elmo bago ito tuluyang pumayag. NO LOVE SCENE daw dapat.

Wala naman nang nagawa si Julie kundi ang tumango. She couldn't just say 'no' to the management. Masyado kasing malaki ang tiwala sa kaniya ng network kaya't hindi niya ito pwedeng tanggihan lang.

"That's unfair, Direk. I have a boyfriend." Pinipigilan niya ang pagtaas ng boses.

"Julie, para naman sa career mo ito eh. Para sa inyo ni JC." Pahayag ng direktor. "Kailangan niyong lumabas publicly na kayong dalawa lang. Holding hands lang. Sweet posts on social media. Ganun lang, Julie Anne. Magpepretend lang naman kayo. Baka naman pwede mong pakiusapan ang boyfriend mo. This is just for the show. Hanggang sa matapos lang ito."

"Direk, kahit sino pong boyfriend eh hindi papayag sa gusto niyong mangyari."

They are having this conversation inside the tent, privately.

She hates the idea at sigurado siya na mas ayaw ito ni Elmo.

"Try to talk to him muna, Julie. Pumayag na si JC eh."

"Of course papayag po yun. He doesn't have a girlfriend. Walang magagalit sa kaniya."

Humingang malalim si Direk Shiela saka tinitigan sa mga mata si Julie. Bakas sa mukha ng ginang ang pagkainis. "Think about it first, Ms. San Jose. Kapag hindi pumatok ang teleserye niyo, kahit anong oras pwedeng tapusin agad ng management yon. Hindi ka namin inuutusan na makipagbreak sa boyfriend mo. Pakiusapan mo lang, Hija."

Hindi na siya pinagsalita pa muli ng direktor. Lumabas na kasi agad ito sa tent.

"Maqui, I need youuu!" She whispered. Kinuha niya ang cellphone saka tinawagan ang kaibigan.

May kaunting oras pa naman para makausap ito. Mamaya pa kukuhanan ang unang scene nila ni JC.

"Hi, Bes!" Bati agad ni Maqui sa kaniya.

"Maquii!!" Mahinang tili niya.

"Oh? Anyare?"

"I have a problem!" Nagsimula na siyang magpalakad-lakad sa loob ng tent na iyon.

"Bes, wala nang bago. Lagi naman eh."

"Bes, i'm serious!"

"Pfft. Oo na."

She heard Maqui giggled. Parang natutuwa pa na may problema siya.

"Ano na naman ba iyon?"

"Maqui, si Direk kasi eh."

"Oh? First day pa lang ng taping may reklamo ka na? Baka di ka nag-eenjoy ah. Sayang lang effort mo kay Mamang Pulis."

"Eh gusto niya na lumabas kami ni JC." She said, sounded like a brat.

"Lalabas lang naman pala, Bes eh. 'Nak ng tipaklong naman oh! Laking problema niyan ah."

"She wanted us to act like a real couple!"

My Right Kind Of WrongWhere stories live. Discover now