PROLOGUE
"DRIMSON..." umiiyak na tawag ko kay Drimson habang kinakatok ko ang pintuan ng unit niya.
Tila pinupunit ang puso ko sa sobrang sakit nito. Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko sa aking pisngi.
"Papasukin mo na ako, please. M-Magpapaliwanag naman ako, eh," umiiyak pa ring sambit ko at sumisinghot na rin dahil pati sipon ko ay tumutulo na...
Naririnig ko rin ang mahihinang paghikbi niya mula sa labas ng condo niya. Alam ko na nakasandal lang siya sa nakasarang pintuan niya.
Kanina lang ay nag-uusap pa kami tungkol sa tunay kong pagkatao at nalaman niya... Nalaman niya na pineke ko lang ang pagkawala ng alaala ko para lamang kupkupin niya ako... Kasi ganoon ako kadesperada na bumago ang buhay ko pero may dahilan naman ako at hindi ko rin naman ginusto na itago iyon sa kanya...
Na makaahon naman ako sa kahirapan at para makalapit sa kanya... Hindi lang naman iyon...
Sasabihin ko naman sa kanya ang totoo at nag-iipon lang ako ng lakas ng loob ngunit nalaman niya kaagad. Nang ganitong kaaga... Kung kailan ay nagsisimula pa lamang kami sa relasyon namin...
"D-Dri, papasukin mo naman ako. H-Hindi ko sinasadya... Drim, mahal kita," sabi ko sabay punas ng mga luha ko.
"Love..."
Napaatras ako bigla nang bumukas ang pinto at ang umiiyak na si Drimson ang bumungad sa akin. Pulang-pula na ang mga mata niya at ang kanyang ilong, buhat nito ang pag-iyak niya.
"Kung ayaw mong umalis, ako ang aalis!" pagalit na saad niya at malalaki ang mga hakbang na tinalikuran ako.
"Dri! H-Hindi naman kasi ganoon 'yon, s-sasabihin ko naman iyon sa 'yo, eh," saad ko at hinahabol ko na siya.
"Love..."
"Stop it! Let's end this! Sana...sana hindi na lang kita nakilala pa... S-Sana hindi ka na lang dumating sa buhay ko! Na hindi ka nag-e-exist sa mundo at hindi natin kilala ang isa't isa!" sigaw pa niya sa akin at hindi ko na naabutan pa ang elevator, sumara na ito kaagad.
"Mahal kita..." pahabol kong sambit na alam kong narinig pa niya 'yon.
Bumalik ako sa unit niya pero lumalakas lang ang mga hikbi ko habang tinatawag ang pangalan niya.
Sorry, Dri. S-Sorry dahil nagsinungaling ako...
Umaasa ako na babalik siya, umaasa ako na babalikan niya ako at pakikinggan na niya ang paliwanag ko pero ganoon na lamang ang takot ko nang maka-received ako ng text message from Kuya Cri.
Naaksidente raw si Dri! Kaya natatarantang lumabas ako mula sa condo niya. Sobra 'yong kaba ko na akala mo ay puputok o lalabas na lamang bigla ang puso ko. Nanginginig ang katawan ko na maging ang paa at tuhod ko ay para akong mawawalan ng balanse, nanlalambot ako.
Malalim na ang gabi kaya wala na akong masasakyan pa na taxi. Kaya ang ginawa ko ay tinakbo ko na lang ito para makapunta sa hospital. Para makita ko si Dri...
Humihingal pa ako nang sa wakas ay marating ko na ang hospital ayon kay Kuya Cri.
Huminto pa ako ng ilang segundo bago ako muling tumakbo kasabay nang pagbangga ko sa isang sasakyan. Naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko sa ere.
Para akong mapuputulan ng hininga nang bumagsak ang katawan ko sa sementadong daan at tumama pa ang ulo ko sa isang matigas na bagay.
Napapikit ako nang kumirot ang ulo ko at kasabay nang paghinto nang tibok ng puso ko.
"D-Dri..." huling bigkas ko sa pangalan ng lalaking mahal ko bago ako kinain ng kadiliman...
***
"Ang tagal namang dumating ni baby Sam," dinig kong reklamo ng kakambal ko.
"Bakit mo pa ba pinaalam doon? Ayoko siyang makita," iritadong saad ko habang nakasandal sa likod ng hospital bed.
Naka-cast ang kaliwang paa ko dahil naaksidente ako kanina noong umalis ako sa condo. Dahil hindi ko nakayanan ang sakit na dinulot sa akin ni...ni.
Napahinga ako nang malalim.
"Drim, huwag ganoon. Huwag mong unahin 'yong galit mo. Try to listen her first, listen to her explanation kung bakit ginawa niya 'yon sa 'yo. If why she faked her amnesia. And I knew, everything has a reason. Ganoon din ang naging sitwasyon ni Mikael. Noong nalaman ko ang t-tungkol sa kanya ay nagalit ako bigla. Pinangunahan ako ng galit ko at hindi ko siya pinakinggan man lang," malungkot na saad ni kuya Crim sa akin. Nasa boses niya ang pagsisisi.
"Tapos nagising na lamang ako na wala na siya, kaya ikaw habang nandiyan pa siya, pakinggan mo na muna ang paliwanag niya, Drim..." saad ni kuya at tinapik-tapik pa ang balikat ko.
"Doc! 'Yong babae po!"
"Nakunan niyo na ba ng BP?"
"Opo, doc. Hindi po stable ang heartbeat niya at humihina ito sa bawat segundong lumilipas."
Nasa emergency room kami ngayon kaya masyadong maingay. Mamaya pa ako ililipat sa private room dahil inaasikaso pa nina dad ang lilipatan ko at bills.
Maya-maya lang ay naririnig ko na ang pagbibigay nila ng life support sa pasyente nila.
Hindi ko alam kung bakit...kinabahan ako. My heart skips a beat habang naririnig ko ang boses ng doktor.
Nasa left side ko lang ito at tanging puting kurtina lang ang nakaharang at pagitan ng puwesto namin.
"Bring her to the operating room!"
"Tara na, Drim," ani dad at inalalayan nila akong makaupo sa wheelchair.
Si kuya Crim ang nagtulak ng wheelchair ko at muntik pa kaming magbanggaan no'ng stretcher na pinapalibutan ng maraming nurse at isang doktor.
Hindi ko na nabigyan ng pansin ang pasyente dahil tuluy-tuloy na kaming lumabas sa ER.
'Yong kaba ko ay mas dumoble pa nang mapatingin ako sa kamay ng babaeng iyon.
And the next day, walang Sam ang dumalaw sa akin. Hinintay ko pa siya para marinig ko ang paliwanag niya.
Pero hindi siya dumating, hanggang sa na-discharge na ako sa hospital.
"Wala na siya, Drim," iyon ang sinabi sa akin ni kuya Crim dahil siya ang naghanap kay Sam.
"A-Anong wala na?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Parang ganito lang ang eksena namin habang ako naman ang nagbalita sa kakambal ko na wala na si Engr. Mikael.
Ganito pala ang pakiramdam 'yong binibitin ka sa sasahihin nito at hindi maintindahan ang sinasabi niya.
"Wala na siya..."
"Kuya, ano ba 'yon?!"
All Rights reserved 2022
©Copy right by Lyn Hadjiri

BINABASA MO ANG
Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)
RomanceGENRE: Romance Ulilang lubos na si Samantha Joyce Lorenzo, at mag-isang itinataguyod ang kanyang sarili ngunit rakitera. Pinangarap niya ang makapagtrabaho sa Manila kahit alam niyang wala siyang mapapala ro'n dahil hindi siya nakapagtapos sa pag-aa...