CHAPTER 15

1.7K 34 0
                                    

Chapter 15: Her brother

HINDI ko alam kung umabot ba kami ng ilang oras doon at lahat ng nalalaman ng lalaking ito tungkol sa buhay ng ama ko ay hindi niya ipinagkait sa akin at lahat ng iyon, sinabi niya sa akin at wala na akong nasabi pa na ano.

Pero isa lang ang masasabi ko, "Hindi pa ako handa para harapin silang lahat. Hindi madali para sa akin na gawin ito. Dahil hindi lang ako kinakabahan. Natatakot ako."

"Naiintindihan kita. Kaya nga hinayaan ka namin para maghanda na rin. Sa oras na malaman ni Drim ang katotohanan ay alam kong magagalit iyon sa 'yo," sabi niya na ikinasikip ng dibdib ko at parang ang bigat huminga.

Guilt lang ang mararamdaman ko kung nagkataon na malalaman niya iyon. Hindi pa man ay ako na nasasaktan.

"Pero makakaya pa rin niyang magpatawad. Kaya kung dumating ang oras na iyon ay bukas ang pintuan ng mansion ng tatay mo at masaya ka pang sasalubungin ng mga kapatid mo," sabi niya at may kung ano'ng malambot na bagay ang humaplos sa dibdib ko. Hindi ko lang kayang ipaliwanag kung ano ba iyon.

"Oh, he caught us," nakangising sabi niya at sinundan ko nang tingin ang ngayon ay binibigyan niya rin ng pansin.

May lalaking nakasuot ng formal attire ang lumapit sa kotse niya at kinatok pa niya ang salamin ng bintana nito.

Sa hitsura pa lamang nito ay bumilis na agad ang tibok ng puso ko at may ano na naman sa dugo ko na...hindi ko maintindihan.

Bahagyang ibinaba niya lang ulit ang salamin ng binta nito at pilit na itinatago niya ako o huwag lang makita ng lalaking nasa labas.

Matangkad ito at oo, may histura.

"Charles," simpleng sambit ni Cyan, marahil ay kanyang pangalan?

"I've been waiting for you to get down from your car and go to the mansion but it seems like parang wala kang balak na lumabas diyan," ang sabi nito sa kasama kong lalaki.

"Wala. I really don't have any plans. I was just thinking of something."

"May kasama ka?" ang tanong niya kay Cyan at pilit na sinisilip ako mula sa labas pero hindi niya magawa dahil patuloy na humaharang sa kanya si Cyan.

Ako na masyado ng kabado. 160 degrees. Hindi pa man sinasabi sa akin kung ang lalaking ito ay parang alam ko na kung sino nga ba talaga ito.

"Bakit ka ba humaharang diyan? Gusto kong makita ang kasama mo at saka buksan mo nga ito," sabi pa nito na mukhang nairita na. Kinalampag pa niya ang pintuan.

"Hindi mo na kailangan pang makita ang kasama ko dahil wala akong balak na ipakilala sa 'yo."

"Alam ba ito ng asawa mo, Cyan Lay?"

"Wala ka na roon. Masyado kasing private ang kasama ko. Alam mo na, artista," pagdadahilan ni Cyan. Ang daming puwedeng gawin na alibi ay artista pa? Talaga lang, ha?

"May ibang babae ka ba, Cyan Lay? Sino ba 'yang kasama mo at dito pa kayo tumigil sa-- nahanap mo na ba ang kapatid ko, Cyan Lay? Siya na ba 'yan? Bakit ayaw mong ipakilala sa akin?" sunod-sunod na tanong niya rito.

Kinabahan na talaga ako. Sana hindi na kami pumunta pa rito dahil hindi pa naman ako handa para harapin sila! Kasalanan ito ng lalaking kasama ko!

Pero sa sinabi niyang nahanap na nga ba ni Cyan ang kapatid niya. So, totoo pala iyon? Totoong hinahanap nila ako?

"Cyan..." nagsusumamong sambit niya sa pangalan nito. Parang nahabag na naman ako pero hindi naman ako makasagot pa.

"Buksan mo ang pintuan kung siya na ba ang kapatid ko, Cyan." Nasa boses nito ang pakikiusap at parang nahihirapan na siya na ano.

"Hindi ko pa nahanap ang kapatid mo, Charleston," seryosong sagot sa kanya ni Cyan.

Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)Where stories live. Discover now