CHAPTER 3

1.7K 40 0
                                    


Chapter 3: Accident

INABOT ko sa isang mama ang pamasahe at ticket ko sa barko. Since tinulungan nga ako ni Mayor ay magandang higaan ang bid ko.

Ilang oras ang biyahe mula Pangasinan to Manila kaya pagod na pagod ako. Nakatulog naman ako pero dahil first time kong makasakay ng barko at sa sobrang ingay nito ay hindi ko masasabi na maayos nga ang tulog ko. Basta nakatulog lang ako at thankful pa rin ako na hindi ako nahilo. Kasi nga first time ko.

Inansuyo ng isang lalaki na dumating na kami sa Manila kaya tuwang-tuwa pa ako.

Pagabi na kaya kitang-kita ang magagandang lights ng mga building kahit nasa daungan pa kami at hindi pa nakakababa.

Excited akong bumaba mula sa sasakyang pandagat habang bitbit ko pa rin ang mga bagahe ko.

Namangha ako sa magandang view ng mga building at maririnig mo ang pagbusina ng mga sasakyan.

"Ang ganda," namamanghang sabi ko, kahit masyadong maingay sa paligid.

Hindi ako pamilyar sa Manila kahit nakarating na ako rito noong bata pa lamang ako. Nakalimutan ko rin naman, eh.

At dahil mag-isa lang ako at malapit nang gumabi ay kailangan kong maghanap ng matutuluyan ko saka ako maghahanap ng trabaho.

Hinalungkad ko ang maliit na wallet ko sa malaking bag ko para kumuha ng pera. Ngunit parang humiwalay ang kaluluwa ko nang hindi ko makita ang wallet ko at maski ang sobreng binigay sa akin ni Engineer Lazer. Hindi ko man lang nalaman kung magkano iyon.

Naibaba ko sa sementadong daanan ang bag ko at hinalungkad ko ang laman no'n pero wala talaga. Kahit ang mga mahahalagang ID ko ay wala rin.

Nanakawan ba ako?!

"Hoy, Miss! Umalis ka nga riyan, hindi kami makadaan sa 'yo, eh!" Hindi ko iyon pinansin kaya ang ginawa nila ay binangga nila lang ako sa balikat.

Ang malas-malas ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil wala na akong pera kahit piso man lang!

Nawala pa ang pinaka-importanteng gamit ko! Nanakawan ako ng hindi ko namamalayan!

Bakit ganoon? Natulog lang ako, ah? Para akong batang nanakawan ng candy at wala akong nagawa kundi ang ngumawa dahil sa kamalasan ko pagdating ko pa lamang sa Manila.

Sana pala ay hindi na ako umalis.

Para akong baliw na umiiyak na naglalakad sa kalsada at panay ang punas ko sa luha ko.

Ang tanga ko kasi, eh! Hindi ko nabantayan ang mga gamit ko! Eh, babae lang naman ang katabi ko sa bid. Masamang mangbintang, alam ko, pero siya lang naman ang malapit sa akin kaya baka siya ang kumuha ng pera ko.

At pati ang langit ay dinadamayan ang kamalasan ko ngayong araw kaya nakaligo ako ng ulan ng wala sa oras.

Mas lalo lang napalakas ang iyak ko at hindi na ako nagkamayaw pa. Tinatawag ko ang Nanay ko.

Paano na ako? Ano na ang mangyayari sa akin? Magiging pulubi na ba ako forever? Eh, hindi ako makakauwi sa amin gayong wala na akong perang pamasahe ko pabalik sa amin.

Ang malas-malas ko talag--

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong nasilaw sa...

Mamamatay na ba ako?

Dahil sa gulat ay hindi ko na nagawang umiwas sa paparating na sasakyan na sunud-sunod ang pagbusina nito.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot na baka ito na ang oras ko kaya ang nagawa ko na lamang ay ang pumikit at hintayin ang kotseng babangga sa katawan ko.

Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)Where stories live. Discover now