CHAPTER 02

111 62 27
                                    

"Hindi alam ng mga kapatid mo ang nangyayari sa kakambal mo, stella. Ako lang at siya ang nakakaalam sa nangyayari at wala ng iba" malungkot nitong sabi. "Kaya kung sana lang, wag mong ipapaalam sa mga magulang niyo ang nangyayari sa kakambal mo at sana din wag mong sabihin sa kanya na sinabi ko iyon sayo"

"Hindi ko maipapangako ngunit sinisigurado kung ipaghihiganti ko ang kakambal ko." tugon ko dito saka naglakad sa may hagdan, bago ako umakyat ay nilingon ko muna si manang. "Btw manang, salamat dahil sinabi mo sa'kin saka pakihatid sa guestroom yang mga yan" nakangiti kong sabi rito saka nagtuloy paakyat sa hagdan papuntang taas kung saan ang kwarto ko.

Pag rating ko sa harap ng kwarto ko ay pinihit ko agad ang siradura at binuksan ito. Pag bukas ko dito ay naglakad ako papasok at agad nilibot ang paningin sa loob ng kwarto ko. Napangiti ako ng makitang wala pa ring pinag bago ito. Ganon parin ang ichura at parang inalagaan ito dahil sa linis at kintab ng sahig. Nang mag sawa sa kakatingin ay naglakad na ako palapit sa kama at padapang humiga.

Hys. Nakakatawa. Sarili kung kapatid pinapabayaan kong bullihin dito habang ako ang sarap sarap ng buhay sa state. Bakit ko nga hindi naisip yon agad na possibleng mabully siya dito? Napaka walang kwentang kapatid ko naman, tsk.

Napag isip-isipan kong bumaba na muna upang salubongin ang mga kapatid ko. Pagbaba ko ay siya ring pag pasok ng kakambal ko na puro dumi't pasa ang katawan at damit nito. Gulat itong napatingin sa'kin na kala mo nakakita ng multo sa laki ng mata nito.

Nanginginig nitong tinaas ang kamay at tinuro niya ako gamit ang hintuturo niya. "A-ate?" gulat at nauutal nitong sabi. Naglakad ako palapit sa kanya habang naka krus ang kamay sa dibdib at seryosong nakatingin sa kanya. Nanginginig na napapaatras ito.

"Don't move." mariin kong sabi rito habang seryosong nakatingin sa kanya. Atras parin ito ng atras kaya dahil sa inis ay hindi ko napigilang sumigaw. "I said Don't move!"

Gulat itong napahinto at nanginginig na tumingin sa'kin.

*sighed*

Dahan dahan akong lumapit dito saka huminto sa harap nito at pinasadahan ng tingin ang buong katawan. Nakaramdam ako ng galit ng makita ang ichura ng kapatid ko. Gusto kong saktan ang sarili ko at magwala ngunit natatakot ako na baka matakot sa'kin ang kapatid ko. Mariing napapikit ako habang nanginginig at dahan dahan na tinaas ang dalawa kong kamay upang hawakan ang kapatid ko ngunit parang may sariling isip ang kamay ko at marahan na sinabunotan ang sarili kong buhok habang galit na napasigaw dahil sa inis.

"Agghhh! Sinong may gawa niyan sayo?! Ha?! DANM IT! Ellish, tell me! Sinong may gawa niyan sayo?! Fvck! Fvck! Fvcking damn it! Alam mo ba kung gano ako nag alala sayo?! Ha?! Kingina naman oh!" galit kong sigaw dito. Kita ko ang nanginginig nitong katawan habang nakatungo ang ulo. "Darn! Look at me, ellish!"

Dahan dahang umangat ang ulo nito at tumingin sa'kin, kita ko ang naluluha nitong mata at nanginginig paring katawan. Mahina akong napa mura ng makita ang muka nitong inosenti. "A-ate, sorry. I-I'm really r-really sorry. A-ayoko lang na m-mag-alala ka s-sa'kin. *sobs* A-alam kong magagalit ka pero n-natatakot ako *sobs* n-natatakot ako at n-naaawa sa kanila na kaba may mangyaring masama sa kanila. A-alam kong p-pano ka magalit k-kaya hindi ko na sinabi sayo," nauutal nitong sabi habang nanginginig ang katawan.

"Alam mo pala kong pano ako magalit ellish, pero bakit hindi mo parin sinabi sa'kin?" malamig kong sabi rito. 'Kahit kailan nakakagago ka parin, ellish. Buti nalang at napipigilan ko ang sarili kong wag kang saktan dahil kakambal kita.'

"K-kasi--" i cut here.

"Kasi natatakot ka na baka masaktan ko sila? Tsk. Kung ikaw kaya ang saktan ko at nang matuwa ako?"

PROFESSOR SERIES 1: Typhon Alvares (laro tayo Sa kama, Sir!) Where stories live. Discover now