Chapter 20

430 18 2
                                    

Nhea's POV

Mapayapa ang grand rally nila tito sa Cavite at ngayon naman ay babalik muna ako sa Manila. Sasamahan sana ako ni Sandro pero di na ako pumayag at aantayin ko nalang ang pag-uwi nila.

"Naya, susunduin ko pa ba si Kate?" Tanong ni kuya Franz sakin.

"Hindi na po kailangan. Mukhang nauna na yun sa bahay." Sagot ko at tumango lang si kuya.

Kate Fuentes, one of my classmates nung elementary until highschool. Sabi niya sa bahay muna siya mag stay hanggang sa makabalik ang parents niya dito  sa Pinas. She's living from Singapore at kakabalik lang niya tonight. 

Kaloka yung babaeng yun. Bigla nalang tumawag sakin sa kalagitnaan ng rally. 

Nagpaalam na ako nina tita Liza na uuwi na ako sa bahay namin sa CLXN at buti naman ay pumayag sila. 

Nang makarating na kami sa CLXN, dumiretso na ako agad sa taas. It's 7pm at nakaramdam na rin ako ng pagod. 

"Nhea!" 

Anak ng buwaya! 

"Jusko ka, Kate! Ba't ka ba diyan nakatayo?"

Pagpasok ko kasi sa bahay ay nasa likod siya ng pintuan nakatayo tapos biglang sumigaw. Sinong di magugulat???

"HAHAHAHAHAHA! Magugulatin pa rin oh." 

Binatukan ko siya ng malakas.

"Hampas ko kaya tong sapatos ko sayo, gusto mo?" Sabi ko tsaka hinubad ang sapatos ko at akmang itatapon sa kaniya.

"Hep hep! Chill sis, eto naman di mabiro. Sorry na, namiss lang kasi kita." Dahan-dahan siyang lumapit sakin at niyakap ako.

"Ganyan mo ba ako kamiss? Ginugulat?" 

"Sorry na kase, bilhan kita ng milktea para bati na tayo." Sinamaan ko siya ng tingin. 

"Kumain ka na ba?" Tanong ko at bumitaw na sa yakap.

"Yup, tapos na." Sagot niya at tumango.

"Ako, hindi pa." Sabi ko at bigla niya ako hinagit palabas ng bahay.

"At dahil diyan, ililibre kita ng dinner mo. Tara." 

Natawa ako sa kinikilos niya. 

How do I say this? Uhm, Kate is not just a classmate. She's like a sister to me dahil during my school days, magkadikit na kami neto. Palagi kaming magkasama tuwing lunch at pati sa pag-uwi sabay rin kami. She's from Batangas, of course, pero medyo malayo ang village namin sa isa't isa. And we still keep in touch in college until now. 

"I've heard everything that happened. Buti nalang at walang masamang nangyari sayo nung nagharapan kayo ni Russel. Kahit kailan talaga hindi siya tumino." Sabi niya while we are on our way sa restaurant sa mall namin.

"Hm, sabik sa pera eh kaya ayun, nasa kulungan na." Sabi ko sa kaniya.

"Are you and Simon close?" Biglang niyang tanong.

"Not that much. Why?" 

"Did he ever mentioned someone nung nakauwi siya dito sa pinas?" 

Nanliit ang mga mata ko when I remember Simon said na may ipakilala siya samin. That time, Simon came home for Singapore too. Wait..

"Don't tell me.." I gasped at tumango lang siya.

"Oh my, HAHAHAHAHA!" 

Sabi na nga ba. Kate Fuentes is the girl that Simon wanted us to meet! What a mere coincidence.

"Seriously?! Woah, I can't believe it." Sabi ko at napatakip ako sa bibig.

"We met in Singapore. Nung nalaman kong Marcos siya ay si Vinny lang ang naalala ko kasi siya lang ang naikwento mo sakin. I didn't know na kapatid siya ni Vinny." Aniya. 

Life with Sandro MarcosWhere stories live. Discover now