Chapter 9

59 21 0
                                    

Naghilamos ako sa loob ng c.r pag labas ko ganoon parin si Zoey, tulog at kayakap ang isang unan. She must been tired.

Tumingin ako sa bintana at nakita ko si Luke na naka topless, mukhang maliligo siya sa pool. Nagtama ang tingin naming dalawa kaya bigla akong umiwas.

Napalingon ako sa cellphone ko, chucks! 7 am na! Narinig kong humikab si Zoey naguguluhan rin kung paano siya napunta sa kwarto ko.

"Anong oras na?"pagmamadaling tanong niya.

"7''

"Saan na si Alexandra? uuwi na kami! May presentation pa ako mamayang 9!"nagmamadali siyang pumasok sa c.r.


Kahit ako hindi ko rin alam kung nasaan siya nang may biglang kumatok sa kwarto ko kaya binuksan ko.


"Alex?''nakahawak siya sa noo niya, mukhang may hang over pa. "Ugh! Bakit dito kayo natulog? Pinabaan niyo ako roon kasama si...ugh! Nevermind!"pinapasok ko siya sa loob ng kwarto ko.

Tumingin tingin siya sa paligid at bahaguang umupo hawak parin ang ulo niya. "Nakatulog ako kagabi. Hindi ko alam kung sino nag hatid sa amin ni Zoey"ani ko. Bigla siyang umiling at tumingin sa bintana.

"Baka si Luke"


Napatigil ako sa sinabi niya. Bakit naman gagawin ni Luke? Ni wala ngang pakialam 'yon sa akin. Malabong ihatid kami ni Luke pero sino?! Baka mga katulong rin dito. Lumabas na rin ng c.r si Zoey.

"Alex, saan ka natulog?! 7 na! Doon na tayo kumain sa convenience store, may meeting kami mamayang 10!"pag aalala ni Zoey.

Pagkatapos namin sa kwarto hinatid ko sila sa labasan ng bahay.

"Sorry girls, hindi ko man lang kayo mahahatid roon, thank you for staying with me the whole night" they gave me a hug before they went inside the car. Hindi na sila nakapag pa alam kay tito at wala na sa mansion pati si Lucas.

Hindi ko alam kung nagkita ba sila ni Lucas kagabi dahil tulog na tulog ako. Nasa ibang kwarto kasi si Alex so she probably slept in other room or maybe in Lucas room.

Kumaway ako sa kanila nang makalayo na pumasok na ako sa loob. Nakita ko si Luke na basang basa at may towel sa gilid ng braso niya. Hindi niya ako kinausap at umakyat nalang siya sa room niya.

What the hell is wrong with him?

Pumunta ako sa kusina at nakita ko roon si manang Minerva tinutulungan ang ibang katulong.

"Manang good morning po"bati ko napatingin siya sa akin at ngumiti.
Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig dahil sa hang over ko.

"Hang over?"she suddenly asked me kaya tumango ako saka uminom.

"Buti pinayagan kayong uminom sa rooftop. Napaka bait talaga sa inyo ni chairman. Nakatulog kaba ng ayos? saka yung mga kasama mo nasaan na sila?"sunod sunod nyang tanong sa akin

"Nakatulog po ako ng maayos,. Hindi ko nga alam kung sinong naghatid sa amin ni Zoey sa kwarto ko"sambit ko. Binigyan niya lang ako ng ngiti. "..saka umalis na po ang mga kaibigan ko, huling bisita na ni Alexandra yung kagabi''dugtong ko.

"Dika sure"napalingon ako kay Eka na kumakain at nakikinig pala sa amin. Inirapan ko lang siya kaya napatawa siya sa akin.

Umiling ako at kumuha ng pag kain para kay  Luke. He probably don't eat. Alam ko namang ako lang ang nakakapag pakain sa kaniya.

"Si Luke."

Napatigil ako sa sinabi ni manang. "Si Luke ang naghatid sa iyo kagabi, ako naman kay Zoey"she continued. Hindi ko akalaing nagawa niya 'yon. Siguro napilitan lang.

The Last SunsetWhere stories live. Discover now