Copyright © Lenmerch, 2014
Chapter Thirty Eight
Jacey's POV
Inaatake na naman ko ng insomnia ko. Badtrip. Nakailang pikit na ako pero wala pa rin. Ginawa ko na rin yung paraan para makatulog pero no use. Mulat pa rin ako hanggang ngayon. Kinuha ko yung phone ko at nagtext sa barkada kung gising pa ba sila. Isa-isa naman silang nagreply.
From: Dyosang Arah Liu
Wide awake pa besh.
From: Austine Prieto Gwapo
Still up. Gillian here. Gising pa rin si Lance. I'm at their house.
From: Handsome Ride Montereal
Gising pa din kami ni insan. Asa bahay niya kami.
From: Ryuu Evangelista Tanda
Yup. What's the matter?
At dahil wala talaga akong pag-asang makatulog, roadtrip na ito! Bumangon ako tas naligo then I changed my clothes syempre. Bumaba na ako tas nag-iwan ng note sa ref.
Mom, Dad, Kuya,
Hindi ako makatulog so I decided na mag-roadtrip with the barkada. Don't worry, wala naman po kaming gagawing kalokohan. :)
Jacey xx
Kinuha ko yung susi ng sasakyan ko. Nilock ko muna yung pinto saka ako nagdrive papunta kila Frase. I texted Ride na nasa labas ako ng bahay ni Frase at magroroadtrip kami. Nagintay lang ako ng ilang minuto tas lumabas na sila at pumasok sa sasakyan ko. Nagsimula na akong magdrive.
"Lakas ng trip mo, Jacey. Gabing-gabi bigla kang mag-aaya?"-Ride
"Sorry na. Hahahahahah. I can't sleep. Insomnia, bro."
"Nagdala akong pagkain, mamaya si Austine, maghanap na naman."-Frase
"Handa ah."
Nagtawanan naman kami. Nagpatugtog naman si Ride para hindi masyadong tahimik.
"Text niyo naman si Tanda, andito na tayo sa kanila."
Ilang sandali lang may pumasok na sa kotse ko. Next stop, Austine's house. Mas malapit kasi yun kesa sa bahay ni Arah.
"Trip mo? Ala-una na tas biglang roadtrip?"-Ryuu
"Nababaliw na yang si Jacey. Kinikilig pa rin siguro dun sa date nila ni Darren." Sinamaan ko ng tingin si Ride.
"Oh tumingin na dun sa kalsada maaksidente pa tayo. Sayang mga mukha namin."-Frase
Napairap na lang ako sa pinagsasabi nila. Lakas ng mga hangin nila. Nalipad ata ako. Tsk. Tsk.
"Sinong susunod na susunduin?"-Ryuu
"Si Austine at Gillian." Tumango si Ryuu tas tumahimik na sila habang nagpeplay ang music.
Pagdating namin kila Austine nagulat na lang ako ng makitang nasa labas na yung dalawa at saka pumasok sa kotse ko."Bat asa labas agad kayo?"
"Vibes ko ng mag-aaya ka ng roadtrip dahil di ka makatulog."-Austine
"Naks naman pare. Bakit pala kayo magkasama ni Gillian?"-Frase
"Pinapunta ako ni Ate Diane sa bahay nila laya magkasama kami netong si Lance." Tumango tango naman si Frase. Si Arah ang huli naming pupuntahan. Bago yun dumaan muna kami sa drivethru dahil gusto ko bigla ng fries. Pinagdrive ko muna si Ride.
BINABASA MO ANG
Engaged to the Playboy
RomanceBarkada Series #1 || Minsan naiinlove na lang tayo ng biglaan sa taong hindi natin inaasahang mahalin. [C]