Chapter 14

4.2K 75 9
                                    

Copyright © Lenmerch, 2014

Chapter Fourteen

Jacey's POV

What the hell! Pinagsasabi ng baliw na to?


"Nababaliw ka na ba?"


"Joke lang. Ang seryoso mo."


"Eh kasi naman nakakaloko ung joke mo. Ilang beses mo na akong pinagtitripan dahil dyan sa mga joke mo." Tinawanan niya ako. Pero seryoso tuwing nagsasabi ng mga ganun si Cade para akong nakaka-experience ng mini heart attack.


"Bakit ka ba andito ha?"


"Ung book na hiniram ko nung isang araw babalik ko eto na oh."


"Ahh."


"Nga pala malapit na yung birthday ni Alex. Gusto mo sumama di ba?"


"Ah sige inform mo lang ako kung kailan para makapagpaalam ako."


"Sige. Alis na ako."


"Okay." Pumasok na ako ng bahay namin tas dumiretso sa kwarto ko. Minsan nagsasawa na ako sa araw-araw kong routine sa buhay. Matutulog-gigising-papasok. Laging ganun. Nakakasawa.


Nagbihis muna ako tas binuksan ko ung laptop ko. Nag-scroll ako ng files tas nagdelete ako nung mga hindi na mahalaga. Pampadagdag pa sa mga basura dito sa laptop. Hay buhay. Pinatay ko na iyon tas humiga ako sa kama ko.


Napansin ko ilang linggo na rin pala akong di kinukulit sa lintik na engagement na yan. Naisip ko rin minsan bakit di na lang ako pumayag? Baka sakaling madivert tong feelings ko sa iba. Pero naisip ko rin ni hindi ko nga kilala kung sino yung gustong ipakasal sakin. Nakakaloka ang buhay ko. Sa buhay naming mga inheritors lagi kaming nasasakal sa expectations ng mga magulang namin. Kailangan laging perfect. Konting mali mo lang mahuhusgahan ka na agad. Lahat ng galaw mo kailangan alam nila. Walang freedom minsan sa buhay namin pero dahil di ako, kami ng barkada ko minsan sumusunod sa parents namin nakakamit namin ung freedom. Ganito kami eh, pinapakita namin kung ano talaga kami. Ayaw kasi namin magpakaperfect. Walang taong perpekto lahat tayo nagkakamali.


Teka ano ba tong pinagsasabi ko? Jusme, nababaliw na ata ako.


"JACEY!" Napatingin naman ako sa pumasok sa kwarto ko. Si Ate Cass lang pala.


"Bakit?"


"Ay grabe ha! Bukas ung dating ng gowns nang mga abay sa kasal. Gusto kong makita kung ano ung itsura mo."


"Ate di ba pwedeng magsuot na lang ako ng tshirt at pants?" Binatukan naman niya ako.


"Baliw! Bridesmaid ka tas magttshirt at pants ka?"


"Di naman kasi ako sanay magsuot nang nga ganun! Pero magchuchucks ako ha? Di naman makikita yun dahil mahaba ung gown."

Engaged to the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon