Chapter 49

2.5K 46 0
                                    

Copyright © Lenmerch, 2014

Chapter Forty Nine

Jacey's POV

Nagising ako dahil sa pagtunog ng cellphone. Badtrip naman! Sinusulit ko na nga lang tong bakasyon tas maaga pa ako magigising dahil sa tumatawag na to. Naku! Bibigwasan ko talaga kung sino tong sumira ng tulog ko. Tumapat pa siyang meron ako kaya double badtrip. Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang tumawag. Sinagot ko agad yun.

"Ano?!"

("Chill. Badtrip?") Napairap na lang ako. Ilang araw na pala ang lumipas magmula nung date namin sa Antipolo.

"Heh! Bakit ka ba tumawag ha?"

("Wala lang. Bakit ba badtrip ka?")

"Wala! Sinira mo kasi tulog ko. Naku. Bibigwasan talaga kita kapag pumunta ka dito."

("Meron ka ba? Ang sungit mo. Ganyan kasi ang kapatid ko nung nakaraang linggo.")

"Tss. Oo. Idagdag mo pang nasira ang tulog ko."

("Sorry, queen! Hindi ko alam.")

"Tse! Bye na nga!" Binaba ko na agad yung tawag at pinatay ang cellphone ko. Pumunta ako ng banyo at sinagawa ang morning rituals ko tapos bumaba ako para magbreakfast.

"Ang aga-aga nakabusangot ka dyan. Papanget ka niyan." Kinurot ko si kuya at saka ko inirapan. Ayaw ko pa naman ng inaasar ako kapag ganitong dinalaw ako ng China. Kumuha ako ng pagkain at saka nagstay sa kwarto ko.

--

Nasa garden ako ng bahay namin. Hawak hawak ko ang gitara ko dahil nag-strum ako ng different music. Hapon na ngayon, nakakatamad kasi humilata sa kama kaya lumabas ako dito sa garden para tumugtog. Habang iniistrum ko yung Payphone ng Maroon five, may nagdoorbell. Nilapag ko muna ang gitara ko saka ko iyon binuksan. Tumambad sa harapan ko si Cade na may dalang ice cream. Pinapsok ko siya at sinundan niya ako papunta sa garden.

I grabbed my guitar then I started strumming again. Wala akong ganang kausapin siya ngayon. Badtrip pa rin ako dahil nasira ang tulog ko.

"Queen, sorry na. Hindi ko sinasadya." Hindi ko pa rin siya pinapansin. Nag-iistrum pa rin ako.

"Uyyy, queen. Kausapin mo naman ako."

"Queen." Tinusok niya ang tagiliran ko pero hinampas ko ang kamay niya at saka ko inirapan.

"Oo nga Cade eh. Ang gwapo mo talaga. Bagay na bagay kayo ni Jacey." Gusto kong matawa sa itsura niya ngayon dahil para siyang tanga na kausap ang sarili niya ngayon pero dahil sinira niya ang precious sleep ko, hindi dahil badtrip ako sa kanya.

"Queen wala ka talagang balak kausapin ako? Kahit yung ice cream na dala ko lang ang pansinin mo." Iniwan ko siya dun kasama ang gitara ko pagkatapos ay kumuha ako ng kutsara. Bumalik din agad ako sa garden. Kinuha ko yung ice cream at kinain iyon habang siya nama'y hawak ang gitara ko.

"Bakit hawak mo yang gitara ko?" Masungit na sabi ko sa kanya matapos ko maubos ang ice cream.

"Akin na na nga yan." Kinuha ko sa kanya ang gitara ko at nagstrum.

"Cade, sayang kagwapuhan mo. Hanap ka na ngang iba." Sabi niya pa. Binitawan ko ang gitara ko at sinuntok ang braso niya.

"Subukan mo. Hindi ka talaga sisikatan ng araw."

"Pansinin mo na kasi ako." Inirapan ko siya at bumalik sa pagstrum. Bahala sya diyan.

"Cade, ang gwapo mo talaga. Buti pa yun si Nikki pinapansin ka eh si Jacey ayun dinededma ka lang."

Engaged to the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon