PROLOUGUE

16 3 0
                                    

June 16,2022

"Akiesha Jianna! Bumangon ka na jan! Hay nako ka, first day ng klase mo at transferee ka pa naman, kaya bumangon ka na jan!" Sigaw ni Mama Haleigh.

Bumangon na ako at pumasok na sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo at magpalit ng uniform bumaba na ako para kumain. Ang ganda ng uniform namin. Hindi naman sobrang iksi ng skirt namin pero over the knee siya. At may necktie kami parang kaparehas na rin ng uniform na nasa k-dramas.

"Bilisan mo na kumain jan Aji at mag toothbrush ka na."

"Opo, asan pala si Dad?" tanong ko.

"Ayon, pumasok na sa office at hindi yon nakatulog ng mabuti kagabi 4 hours lang ang itinulog ng daddy mo, dami nyang cases na ginagawa." Kuwento ni Mama.

"Ikaw ma? Wala kang duty?" Tanong ko kay mama. Nurse ang trabaho ni Mama at Law naman ang trabaho ni Dad.

"Mamaya pang Madaling araw, kaya bilisan mo dyan"

Pagkatapos kong kumain at mag toothbrush dumeretsyo na ako sa sasakyan. Bago ko isarado yung pinto ng sasakyan tinawag ako ni mama.

"Aji, nakalimutan mo nanaman yung lunch mo, nako di ka pa nag tatanda."

"Ayy oo nga pala, sowiee... sige na ma alis na kami ni kuys Von" sabi ko kay mama at itinango lamang nya..

"Ingat kayo ah."

Dumating na kami sa school.

"Sige kuya papasok na ako, ingat ka pauwi"

"Sige po maam, ingat rin po kayo." Lumabas na ako sa sasakyan at pumasok na. Nasalubong ko ang guard don at binati ako.


Pagpasok ko ng school, hinanap ko na yung classroom ko, dahil hindi ko tinitignan ang daanan ko may nabangga ako na isang lalake.

"Ayy sorry sorry di ko tinitignan yung daanan ehh hinahanap ko yung classroom ko." sinabi ko sakanya.

"Ahh, okay lang, so gusto mo bang tulungan na kita paghanap ng classroom mo? malapit na mag time eh" sabi ng lalake.

"Ahh, ganun ba? sige, saan yung 9Sapphire?" tanong ko sa lalake.

"Oh? tabi lang pala ng classroom ko, sama ka na saakin." aya niya.

"okay"

"So transferee ka pala dito?" tanong nito.

"Nakita mo na ba ako na dito nag aral nung elem? diba hinde? so bago nga ako dito" Pilosopong sagot ko sakanya at itinawa nito.

"Pilosopo ka pala" sabi nito. "Hehehe, naging habit na, sorry" pag-umanhin ko sakanya.

"No, it's okay."


Ilang minuto, narating na namin ang classroom ko.

"Salamat ha? sige una na ako" pagpaalam ko sakanya at papasok na sana ako nang hinawakan nya ang wrist ko.

"May I know your name?" Tanong nito.

"My name is Aji"





An: Gago, kinilig ako pa k-drama ang peg hahahahaha

WAIT- for the right timeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora