Parker 05

12 1 0
                                    

WINTER

Nakalipas ang isang linggo mag mula ng mangyari 'yung gulo sa classroom, Balak pa sabihin ng Dean kay mama ang nangyari dahil isa akong Parker at hindi 'to pwede palagpasin pero si Kuya na ang nakiusap para hindi na ito ipaalam pa.

Kung dati lagi kong gamit gamit ang pagiging Parker para makuha ang mga hindi ko naman gusto makuha, ngayon hindi ko ito gagamitin.Alam kong hindi ako basta'ng tao lang ang mga Parker ay ang mga delikado'ng tao na kabanggain, Lalo'ng lalo na si Mama.

And i hate being one of them.

Full of high class, Expectations, Perfections.

"Kate, Dito!" Tawag ni Rai.

Sa pag lipas ng isang linggo na 'yon heto at mag kaayos na sila Kaycee, Rai at Kate, Nag kakasundo na rin silang tatlo sa mga bagay bagay katulad nalang daw ng kung ano sila dati.

Kung ano'ng ikinaingay ni Kate sa samahan ay sya naman na bigla'ng pag tahimik ni Lexie.

"Kainis kayo! iniwan nyo 'ko sa room!" Reklamo ni Kate.

"Aba kanina ka pa tinatawag e, bakit miss mo ba pagiging outcast?" Tanong ni Kaycee.

"Hell no!"

"Oh ano'ng gusto mo? libre daw ni Zeus." Sabi ni Owen.

Napatingin si Kate kay Zeus. "Seryoso ba?"

"Yeah, Pili kana." Sagot ni Zeus.

"Shawarma nalang sakin tas isang iced tea." Sabi ni Kate kaya nag katinginan si Rai at Kaycee.

"Yun lang?" Tanong ni Owen.

Tumango si Kate.

"Bakit 'yun lang?" Tanong ni Kaycee.

"Kasi 'yun lang." Sagot ni Kate.

"Dati expensive binibili mo ah?" Tanong ni Rai.

Nag flip hair naman si Kate. "Well nag babawas ako ng kaartehan."

"Wow," Bulong ni Lexie.

"Good for you, Kate." Nakangiti'ng sabi ni Zeus.

"Thanks, Pres."

Si Owen ang pumunta sa counter para bilhin ang order ni Kate, Marami'ng pinag kwentuhan 'yung tatlo minsan nakikitawa naman ako at kinakausap sila kailangan ko rin kasi makisama sakanila, Yun lang si Lexie nag paalam na mag r-review na daw dahil sa Quiz, Weird na nga nya ngayon e.

Pinag-masdan ko si Kate, Kaycee, At Rai ang mga may 'S' ang dulo ng mga apelyido.Mag kasundo'ng mag kasundo sila'ng tatlo kahit na noo'ng nakilala lang nila si Kuya kaya nag kaganyan na.Hindi na din itinuturing na outcast si Kate sa classroom pinapansin na ulit sya ng lahat, Yun lang ang kapalit non ay ang unti unti nya'ng pag layo kay Achi.

"Winter be, Baka naman may balak kang mag set ng blind date kay Papi Winston tapos ako ang ka blind date." Sabi ni Kaycee kaya hinampas sya ni Rai.

"Akin 'yun e!" Singhal ni Rai.

"Ano'ng iyo? hindi ka nga pinapansin!" Singhal pabalik ni Kaycee.

"Gosh eto na naman po tayo." Sabi ni Kate at napailing.

"Ganon ba ka gwapo Kuya ni Winter at nag kakaganyan kayo?" Confused na tanong ni Owen.

"Ay oo! baka pag nakita mo bigla kang bumaliko." Sagot ni Rai.

"They're really like your brother huh?" Imik sakin ni Zeus.

Natawa ako. "Oo simula pa don sa clinic di na sila mapakali dahil kay Kuya."

Parker |  ✔︎Where stories live. Discover now