Parker 17

10 1 0
                                    

WINTER

"Balik mo nga 'yan dito!"

"Kunin mo muna!"

"Puno'ng puno na talaga ako!"

"Meow,"

Ayan na naman sila.

Kinuha ko nalang ang pusa at binuhat. Baka kasi matapakan ni Darius at Rai na ngayon ay nag-hahabulan dahil kinuha ni Darius 'yung box kung saan nilalagay ni Rai 'yung mga pinaningilan nya sa iba't ibang section.

Bumalik ako sa upuan ko at ipinatong sa desk ang pusa. Ito 'yung pusa na nakita ni Kaycee kahapon, Inampon nalang namin since wala ng may-ari at mukhang homeless rin 'yung pusa. Kulay puti ang pusa na may batik batik na itim, malago rin ang balahibo nito, may asul na kulay ng mata at maamo sya sa lahat. Hinaplos ko ang balahibo nito at pinat ko ang ulo nya.

"Guys!" Tawag bigla ni Owen at naupo sa tabi ko.

"Anyare sayo?" Tanong ko pero umiling sya.

"Problema mo'ng tukmol ka?" Tanong ni Kaycee.

"Ano palang ipapangalan natin dito sa pusa?" Tanong ni Owen sabay buhat sa pusa.

Napaisip naman bigla ang lahat, Ako naman hindi na nag isip dahil wala akong maisip bahala nalang sila kung anong magustuhan nilang ipapangalan. Nag taas naman bigla ng kamay si Darius.

"Cat, nalang! kasi ang tagalog ng cat ay pusa." Sagot nya habang nakangiti ng hilaw.

Binatukan naman sya ni Rai. "Kahit kailan puro kagaguhan nalang alam mo!"

"Bakit di nalang pussy?" Suggestion ni Achi kaya napa face palm kami.

Punyeta, ano daw?

"Gago, Hahahaha,"

"Puro naman kagaguhan iniisip nyo e, What about meow meow?" Suggestion din ni Zeus.

Natawa si Lexie. "Tangina,"

"Walanghiya, kayo tinuan nyo naman!" Kamot ulo na sabi ni Owen.

"Ah alam kona! Rudolf!" Si Rai

"Rudolf ang gago naman!"

"Juwaw, nalang!" Si Kaycee.

"Dati ba kayo'ng naka shabu? hello? pwede nama'ng ming ming," Si Kate.

"Butiki sa kisame!"

"Lalalalala!"

"Tinolang paksiw nalang kaya?"

"Gago ka! walang ganon!"

"Ano'ng lasa non?"

"Lasang kilikili mo,"

Napailing nalang si Owen saka napatingin sakin at tinuro ako. "Oh! si Winter pa pala wala pang na s-suggest,"

"H-ha? wag na kayo nalang," Tanggi ko.

"Luh andaya mo naman! ikaw din dapat!" Pangungulit ni Kaycee.

"Oo nga!"

"Baka ayaw wag nyo pilitin, tanga nyo."

"Kung ano'ng ikinaganda ng pangalan mo sure ako maganda din pangalan na naiisip mo."

Di ka sure,

"Sige na nga," Sabi ko at napapikit. "Chicken corn dog,"

Humagalpak na naman ng tawa si Darius at Rai kasunod non ang iba. Napailing nalang ako at kinuha ang pusa kay Owen na nakangiwi dahil hindi nya alam kung saan sya makakakuha ng matinong sagot.

"His name is Draco,"

Lahat naman kami ay napalingon kay Ian na kakapasok palang ng classroom, Hawak nya ang head phone nya at magulo ang buhok 'yung blazer nya nasa pagitan ng braso nya tapos...may bangas.

Parker |  ✔︎Where stories live. Discover now