Parker 21

9 2 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Lahat ay nasa kanya kanya'ng cage at masayang nag uusap habang umiikot ang ferris wheel na sinasakyan nila. Kanya kanya sila ng mga kasama sa loob, Kanya kanya rin sila ng mga pinag-uusapan para aliwin ang isa't isa.

Ito ang pangalawa'ng beses na gumala sila ng sama sama, kasama si Winter. Hindi ito basta gala lang dahil plinano ito ng dalawa'ng mag kasintahan. Gusto nila ipasyal ang mga kaibigan nila at mapag-lapit ang mga tao'ng kailangan mag lapit at pag batiin ang mga tao'ng dapat mag bati.

"Sa tingin mo gagana ba ang plano?" Tanong ni Rai sa kasintahan na si Darius.

"Di ako sure pero sana gumana para hindi mapunta sa wala ang lahat." Sagot ni Darius.

"Until when we were still hiding our relationship to our friends, Baby?" Seryoso'ng tanong ni Rai.

Niyakap sya ni Darius. "After we turned the issue down, Baby."

"Sana matapos na 'to."

"Let's just trust her."

Tahimik na tumango si Rai at niyaka nalang rin pabalik si Darius. Hindi nya alam kung sino ang her na tinutukoy ng boyfriend nya pero nakikita nya ang tiwala sa mata ng mahal nya kaya nararamdaman nya'ng talaga'ng matatapos rin ang lahat kaya wala syang nagawa kundi ang pag katiwalaan na rin ang tao'ng tinutukoy ng boyfriend nya.

Sa kabila naman nakasimangot si Lexie na nakasandal lang sa upuan at nakatingin sa baba, Kanina pa sya ganito hindi kasi sya binilhan ng corn dog kanina ni Zeus tapos hindi pa sya niyakap pabalik kanina, nag ooverthink na tuloy sya na baka ayaw na sakanya ni Zeus.

Napansin naman ni Zeus ang pagiging tahimik ni Lexie, Nakikita nya rin na nakasimangot ito at nakakailang buntong hininga na rin na para bang sya na ang pinaka problemado'ng tao sa buong mundo. Huminga ng malalim si Zeus bago umusod sa tabi ni Lexie, Inakbayan nya ito pero hindi pa rin namamansin.

"Babe?" Tawag nya dito.

"Oh?" Sagot lang ni Lexie.

"Are you mad?" Tanong nito gamit ang mahina nya'ng boses.

"Hindi," Tipid na sagot ni Lexie.

"I know you are,"

Hinarap sya ng dalaga at tinaasan ng kilay.

"Alam mo naman pala ba't nag tatanong ka pa?"

Ngumiti lang naman si Zeus at hinila palapit sakanya ang girlfriend nya na nagulat sa ginawa nyang 'yon, Pinatong nya ang palad nya sa tuktok ng buhok nito.

"Can i hug you, Lexie?"

"Bakit kapa nag papaalam? you're my boyfriend, Zeus."

"Okay, I'm going to hug my little bear."

Napasimangot naman si Lexie ng tawagin sya ni Zeus sa ganon pero wala rin naman syang nagawa dahil niyakap na sya ni Zeus na hindi nila nagagawa noon. Hindi sya nag sayang ng kahit anong minuto at niyakap nalang nya pabalik si Zeus.

Nakangiti'ng hinaplos ni Zeus ang buhok ng dalaga, naisip naman nya na hindi nya akalain na aabot sila sa ganito, They used to be friends before but now they're a couple.

Halos pag hahampasin naman ni Kaycee si Owen ng paulit ulit dahil sa nasasaksihan nito. Nakatayo ito habang isa isang pinapanood ang ganap sa mga kaibigan sa kanya kanya'ng sinasakyan. Abot langit ang ngiti nya'ng umupo ulit sa tabi ni Owen.

"Gago! kinikilig ako, mukha'ng lahat sa A-3 magiging mag jowa!" Sabi ni Kaycee.

"Pano mo naman nasabi?" Tanong ni Owen.

Parker |  ✔︎Where stories live. Discover now