7 - Cafe

1K 53 17
                                    


✓Q... Unedited...

🗝️

ENJOY!!!

✌️

*****

Niah's POV

"Guys let's go, daan muna tayo sa cafe bago umalis" Sambit ni Rin habang naglalakad ang tatlong magkakaibigan.

"Wala kayong practice?" Lingon ko kay Reid na hawak hawak ng mga bag namin ni Rin.

"Meron" sabi nito na parang walang pakealam.

Napakunot naman ang noo ko. "Oh bakit ka andito?" Usisa ko sakanya.

"Hatid ko muna kayo. Di pa naman nagsstart yung practice hahabol nalang ako pagkatapos ko kayo ihatid"
Saad nito habang nakasunod saamin ng kapatid niya.

"Waw anong nakain mo" singit bigla ni Rin habang tumatawa.

"Bwiset ka pag ako napikon tatapon ko bag mo sa kalsada"

"Subukan mo lang" banta naman ni Rin sa kapatid.

Napailing nalang ako sa dalawa. Ewan ko ba sa dalawang to. Minsan hindi mo mapaghiwalay. Minsan naman aso't pusa kung umasta.

.

🍃PINE BREEZE CAFE🍃

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

🍃PINE BREEZE CAFE🍃

"The usual po" sabi ko ng sa wakas maabot namin ang counter. Buti na lang hindi ganoon kahaba ang pila ngayon, kadalasan kase ay hanggang labas ang pila sa cafe since sikat at katabi lang ito ng school.

Matapos ang ilang minuto ay kinuha ko na ang mga orders namin. Isang freakshake para kay Reid, isang Espresso Macchiato para kay Rin, at isang strawberry shake sakin since hindi ako nagkakape. Inilabas ko ang black card ko sabay abot sa cashier. Hindi na ito nabigla dahil ilang beses ko na din naman itong nagagamit dito.

Habang nagkukwentuhan kami tumunog ang bell ng pinto. Normal lang naman ito pero napalingon parin ako.

"Si Miss Garlea oh" malakas na sabi sabay turo ni Reid sa may bandang pinto.

Nabigla kami ng napatingin ito bigla saamin. Binatukan ko naman ito bago hinila bigla ang kamay niya. "Gago ka nakita tuloy tayo!" Mahinang sigaw ko dito.

Nanlaki naman ang mata ko ng nagsimula na itong maglakad papunta sa pwesto namin.

"Miss Ventura, I'm glad I caught you before you left; follow me; I need to talk to you about something" saad niya at agad na tumalikod. Ni hindi manlang niya sinulyapan ang dalawang katabi ko na biglang tinulak ako patayo.

"I'll take your bag home. Kaya dali, shoooo, alis!" bugaw saakin ni Rin na siyang tinignan ko ng masama bago sumunod sa napaka bossy na professor.

"Bwiset, binugaw lang ako sa may toyong professor" bulong ko sa sarili habang nakayukong naglalakad.

✓The Teachers Possession (GxG) Where stories live. Discover now