Sa mga gabing ninanais kang makatabi: matindi ang pagyakap sa aking unan - kahit sa simpleng paraan ay mapunan; ngunit iba pa rin 'pag ang iyong yakap ang bumabalot sa damdaming nangungulila. Haplos ng iyong kamay sa aking buhok ang hinahanap-hanap. Ang kaakit-akit mong tinig ang nagbibigay ngiti sa aking labi; na tila napakaingay ng mundo ngunit hindi natin pansin ito dahil mayroon tayong sariling mundo. Mga kwento mo noong ika'y bata pa sa kung anong pinakamagandang alaala ang iyong naranasan; sa isang tanong ko umabot kana sa sampung kwento - kaya nga't habang pinapakinggan ka hindi maiwasang ngumiti at tumawa.
Subukin man tayo ng tadhana, maubos man ang lahat ng rason upang manatili, asahan mong patuloy pa rin akong kakapit sa mga pangako ng isa't isa.
Tayo ang paulit-ulit na magpapaalala sa atin sa rason na paulit-ulit nating tutuparin; na walang bibitaw.
- Leeann Sibi | 2020
BINABASA MO ANG
Tahan na, Aking Tahanan.
Poetry"Dito sa akin, ligtas kang magpahinga." Ang Tahan na, Aking Tahanan ay isang koleksyon ng mga naisulat kong pyesa, prosa at mga tula; tungkol sa pag-ibig, pagmamahal sa sarili, kalungkutan, at pag-asa.