minsan, hindi ko kilala ang sarili ko. marahil, masyado ko nang hinuhusgahan ang sarili ko — sa pagiging ako. balot ako ng pangamba sa maaaring maging mukha ng bukas, dahil hindi ito nag-iiwan ng bakas. hindi ko alam kung hanggang saan ako tatangayin ng tadhana. kung may katapusan ba ang lahat? o ito’y walang katapusan.
pagod na akong umusad, kaya’t hinayaan ko na lang, ang sarili ko na manatili sa kaloob-looban ng kalungkutan.
ligtas at tahimik dito; hindi na mahalaga kung malungkot, basta’t payapa.
— Leeann Sibi |6.1.21
BINABASA MO ANG
Tahan na, Aking Tahanan.
Poetry"Dito sa akin, ligtas kang magpahinga." Ang Tahan na, Aking Tahanan ay isang koleksyon ng mga naisulat kong pyesa, prosa at mga tula; tungkol sa pag-ibig, pagmamahal sa sarili, kalungkutan, at pag-asa.