CHAPTER 5: Confession

70 1 0
                                    

Forever You
[JeongMi Fanfic Story]

CHAPTER 5: Confession

MINA'S POV

"Bakit ang tagal namang pumasok ng Kuya Chae niyo? Sino ba kasi ang kausap niya sa labas?" Tanong ni Mama.

"Jeongyeon po ang pangalan, Mom. Boyfriend raw nitong prinsesa natin." Sagot naman ni Ate Sana.

"Boyfriend? Kailan pa?" Tanong naman ni Dad.

"Mom, Dad, pupuntahan ko lang po sila doon. Baka kung ano pa ang gawin ni Kuya kay Jeongyeon." Paalam ko.

Hindi pa man sila nakakapagsalita ay umalis na ako. Dali-dali akong pumunta sa labas dahil kanina pa sila doon. Ang sabi ni kuya ay susunod sila sa loob. Baka kung ano na ang nangyayari sa kanilang dalawa.

Napatigil ako sa iniisip ko. Bakit ba ako concern sa lalaking yun? Siya ang nagpumilit na pumunta dito. At saka, hindi naman totoo ang relasyon namin. Wala akong responsibility sa kanya kung sakali mang saktan siya ni Kuya.

Pero.... Hindi naman ako masamang tao para hindi maging concern sa ibang tao. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakarating na nga dito sa labas.

****

"Anak lang naman ako ng mga taong kakompetensya niyo sa negosyo, Sir. Pero May sarili po akong isip. Papatunayan ko po sainyo ang sarili ko." Sambit ni Jeongyeon kay Kuya.

Aba! Talagang ginampanan nga niya ang pagiging boyfriend ko.

"Sabihin na natin na kaya mo ngang patunayan ang sarili mo. Pero hindi mo pa siguro kilala ang mga parents mo. Kung tutuusin, para na silang kriminal. At hindi ko hahayaan na madamay ang kapatid ko sa pamilya niyo, naiintindihan mo? Kaya umalis ka na. Hindi ka welcome dito." Sagot ni Kuya.

"Kuya!" Tawag ko sa kanya.

"Mina! Kanina ka pa ba diyan? Di ba sabi ko mauna na kayo." Sagot naman ni Kuya sa akin.

"Lumabas ako para tingnan kung anong nangyayari sainyo. And... Jeongyeon, you need to leave now. Sabi ko naman sayo, wag ka nang sumama, di ba?" Inis kong sabi.

"Sige. Uuwi na ako. Kita na lang tayo sa school bukas." Tugon nito saka ay nagpaalam na.

Saktong may dumaan na taxi  at doon na siya sumakay. Kami na lang ni Kuya ang naiwan dito. At isang masamang titig ang ibinato niya saakin.

"What now, Kuya? Umalis na siya." Sambit ko.

"Kailan ka pa nagkagusto sa lalaking yun? Nung nakaraan lang ay nagsusumbong ka pa saamin sa mga ginagawa sayo ng lalaking yun. Tapos ngayon, kayo na? Sabihin mo nga, May ginawa ba siya saiyo, Mina? Sabihin mo. Wag kang magsisinungaling." Tugon niya saakin.

"Walang ginawa sa akin si Jeongyeon, Kuya. You're just being paranoid dahil anak siya ng kakompetensya niyo sa negosyo." Sambit ko.

"Kakompetensya? Sila lang naman ang nag-iisip ng bagay na yun. Masyadong makitid ang isip ng mga magulang niya. Hindi mo sila kilala, Mina. At saka... kailan ka pa naging ganyan ah? Sasabihin ko na sayo ngayon pa lang, Mina. Hindi siya ang gusto ko para sayo. Iba na lang, wag lang ang lalaking yun."

"Hindi ikaw sina Mom and Dad para sabihin saakin yan."

"Pero kapatid mo ako. I'm just concern about you. At ngayon pa nga lang, mas lalong hindi ko siya gugustuhin. Hindi ka naman ganyan. We used not to be like this. We're also fighting but not as much like this. Na-brain wash na ba ang utak mo ng lalaking yun? Ganyan ba ang lalaking gusto mo? Nilalayo ka lang niya saamin?" Galit na sambit ni Kuya.

"Ayoko ng away, Kuya. Papasok na ako sa loob. Naghihintay na sa hapag sina Mom at Dad." Walang gana kong sambit.

Bakit ba nagkakaganito ang lahat? Hindi naman ito ang gusto kong mangyari. Kung tutuusin, matapos nang narinig kong sinabi ni Jeongyeon kay Kuya, na-turn on na rin ako sa kanya. Masyado siyang presko at malakas din ang loob. Pero wag lang sanang acting lang ang lahat ng yun. Dahil mukhang magtatagal pa kami. Kung sakali mang makuha ko na yung notebook kong yun, hindi ko alam kung nagbago na rin ba ang pananaw ko sa oras na yun.

Forever You (JeongMi Fanfic) [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora