CHAPTER 43: New Threat

17 1 0
                                    

Forever You
[JeongMi Fanfic Story]

CHAPTER 43: New Threat

Habang patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring pagkamatay ng mag-asawang Angeles, unti-unti namang nagiging maayos na si Mina. Hindi na ito gaanong umiiyak at nagkukulong. Matapos niyang dalawin ang puntod ng mga ito ay naging maayos na rin siya.

Nahuli na rin ang mga taong may kinalaman sa nangyari. At sila rin ang mga lalaking tinutukoy ng kanyang Tay Nestor sa sulat. Inamin nila na may kinalaman nga sila sa nangyari pero hindi nila sinabi kung may nag-utos ba sa kanila.

Sa kabilang banda, nagpatuloy naman sa pagmamanman si Bambam sa lahat ng kilos ni Julia. Matapos niya itong makilala ay mas lalo lang siyang na-curious kung sino ba talaga ito.

Hanggang sa isang araw ay sinundan niya itong pumasok sa isang subdivision. Pamilyar sa kanya ang lugar na yun dahil dun din nakatira ang isa sa mga estudyante niya.

"Sino naman kaya ang kakilala niya sa loob? Sino ka ba talaga Julia?" Tanong niya sa sarili.

Hindi siya matahimik dahil sa mga tanong na gumugulo sa utak niya ngayon. Habang tumatagal ay mas lalong gusto niya pang makilala ang babaeng yun. Sa tingin niya ay mas lalo niyang masisigurado ang kaligtasan ng kaibigan niya kung makikilala niya ng lubos ang taong banta sa buhay nito.

Sumunod na araw, nakita niya ang kapatid nito na si Yuna. Tapos na ang program na sinalihan nito nung isang linggo pa. Pero dahil sa talento nito sa pagsayaw ay kinuha na rin nila bilang trainee kapalit ay magiging scholar na rin nila. Kasama ang tatlo nitong kaibigan at schoolmate na rin, magkakasama silang nag-eensayo sa studio bilang grupo para sa mga susunod pa na competition.

"Can I talk to you in private? Marami lang akong gustong tanungin." Tanong niya sa dalaga.

"Para saan po yan, Kuya?" Tanong naman nito pabalik.

"Its about your sister, Julia." Sagot niya.

"Ano po ba kayo ng Ate Julia namin?" Tanong naman ni Ryujin, kasama ni Yuna sa grupo, at pinsan niya rin.

"Let's say.... we're dating. At gusto kong malaman ang ilan sa mga bagay na tungkol sa kanya." Sagot naman niya rito.

"Pero wala po siyang binabanggit sa akin tungkol sa inyo. Palagi niyang sinasabi na busy siya palagi sa trabaho. Maghahatinggabi na nga kung umuwi siya saamin eh." Ani Yuna.

"Ahhh. Dahil sa sinabi mo, baka hindi ko siya maalok na lumabas. Baka busy rin siya mamaya." Kunwari na malungkot niyang sabi.

"Subukan niyo pa rin pong tanungin siya. Malay niyo po pagbigyan naman siya ng boss niya kahit mamaya lang." Sambit naman nung isang singkit nilang kasama. Mala-pusa ang mata nito.

"Okay. I'll do that. Thank You.  Mukhang hindi na natin kailangang mag-usap nang private. Pwede ko naman siyang makilala nang paunti-unti di ba?" Saad niya sa apat na babae.

Tumango naman ang mga ito bilang sagot.

Tumunog naman ngayon ang cellphone niya at si Mina ang tumatawag. Nagpaalam na siya sa apat at saka sinagot ang tawag.

"Hello, Mina? Papasok ka na ba ngayon?" Tanong niya rito.

"This is not Mina." Isang lalaki ang sumagot.

"Oh! Jeongyeon?"

"Yeah! Ako nga."

"So? Bakit ka napatawag? At bakit nasayo ang phone ni Mina?"

"Well gusto lang kitang makausap. About Mina, ilang linggo muna siyang hindi papasok. We're currently preparing for our wedding. Madali na lang ngayon kasi we already had our plans before."

"Ahhh, I understand."

"Invited ka sa kasal namin ah. Mina is expecting you there. Gusto niya na lahat ng taong nakilala niya ay naroon. Especially her friends, You and Betty."

"Okay, no problem. I'll be there."

"Thank You."

"Oh! By the way, anong oras mo ba pinapauwi yung sekretarya mo?"

"You seemed so interested on her ah. Okay, yung uwi namin kadalasan, mga after dinner na eh. Bakit mo pala natanong?"

"Im just curious. Sinabi kasi ng kapatid niya na palagi raw siyang late kung umuwi. Maghahatinggabi na nga raw."

"Maybe, dumidiretso na siya agad sa bahay ni Mr. Choi. Nagtatrabaho rin siya dun bilang caregiver. Kwento niya yun sa akin nung minsan ko siyang nakita na palabas sa mansyon ni Mr. Choi."

"Ahhh ganun ba? What a hard-working woman. Okay, thank you again. Bye."

"Bye, too."

Natapos na ang tawag pero hindi pa rin siya mapakali. After knowing na nagtatrabaho siya sa mga Choi, pakiramdam niya ay may ilan paring detalye sa buhay nito ang hindi niya pa nalalaman.

Sinundan niya ito nang pumasok ulit ito sa isang subdivision. At tama nga ang sinabi ni Jeongyeon sa kanya.  Pumasok nga ito sa mga mansyon ng mga Choi.

Nagtanong-tanong siya sa mga taong malapit sa lugar kung kilala nila si Julia.

"Ilang buwan na ang nakalilipas nang pumasok ang babaeng yan sa mga Choi. Nung mga araw na yun, namatay ang unica hija ni Mr. Choi at siya naman ang dumating. Siya ang nag-aalaga sa matanda araw-araw bago pumasok sa trabaho niya. Pero ang nakapagtataka, hindi man lang lumalabas ang lalaki sa bahay. Mula nang dumating siya, hindi na raw ito hinayaan na lumabas o kaya ay tumanggap ng bisita."

"Nakapagtataka nga. May litrato po ba kayo ng anak ni Mr. Choi?"

"Hanapin mo na lang sa internet, minsan nang ipinalabas ang hitsura nung anak niya noon dahil sa pagkaka-aksidente ng bunsong anak ng mga Montealegre."

"Sige po salamat." Paalam niya saka ay umalis.

Bago pa man siya makalayo sa bahay na yun, nakita niyang may lumabas na kasambahay mula sa bahay ng mga Choi at may dalang plastik ng basura. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit dito para sana tanungin ito ay narinig niya naman itong kinakausap ang sarili.

"Bakit pa ba kasi bumalik ang bruhildang yun? Sana natuluyan na talaga siya noon pa sa aksidente. Ngayon na lumpo si Sir, siya ang nagrereyna-reynahan dito sa mansyon. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera eh hindi ako magtitiis sa kanya." Inis nitong sabi saka ay pumasok muli sa bahay.

Hindi na nakalapit pa at nakapagtanong si Bambam sa kasambahay. Mula sa narinig nito ay nagkaroon na siya ng ideya sa kung sino talaga ang babaeng yun.

Natulala pa siya kakaisip sa narinig nang makita niyang palabas na ang babae sa bahay. Agad siyang nagtago para hindi mapagsuspetsahan nito.

Pagkalabas nito sa gate ng bahay, tinipa naman nito ang kanyang cellphone para tumawag.

"Ihanda niyo na ang sorpresa. Hindi pwedeng sila lang ang masaya." Sambit nito sa kabilang linya.

Matapos nun ay ibinaba na nitong muli ang tawag.

Tumunog naman muli ang telepono nito at parang umamo na ngayon ang kanyang awra.

"Hello? Yuna? Bakit ka napatawag?" Malambing niyang tanong sa kausap.

"Ahhh ganun ba? Pero baka hindi ako makauwi mamaya. Marami akong gagawin ngayon eh."

"Sige. Babawi ako next time. Okay? Bye."

Mula sa pagiging maamo, gumuhit muli ang pagkademonyeta nito. Ngumiti pa ito bago pumasok sa sasakyan at umalis. Nang makalayo na siya ay siya namang paglabas ni Bambam sa pinagtataguan niya.

"Ngayon alam ko na kung sino ka talaga. Kailangan itong malaman nina Mina."

Forever You (JeongMi Fanfic) [Completed]Where stories live. Discover now