CHAPTER 37: Welcome Back

23 1 0
                                    

Forever You
[JeongMi Fanfic Story]

CHAPTER 37: Welcome Back

MINA'S POV

Nakauwi ako ngayon sa Unit ko. Kasama ko pa rin si Bambam at sinabi niya sa akin na tinawagan niya raw ang mga kaibigan namin para pumunta doon. Wala pa silang mga alam.

Nandito kami ngayon sa Sala nanonood nang TV nang biglang may kumatok. Agad naman itong pinagbuksan ni Bambam.

"Mukhang mambubulabog na naman tayo nito buong magdamag. Ano? May party ba?" Saad ni Nayeon pagkapasok pa lang.

"Puro ka naman party." Angal ni Jihyo.

"Gusto mo naman." Aniya naman ni Nayeon.

Tumayo naman agad ako nang makalapit na sila dito sa pwesto ko.

"Buti naman nakarating kayo. Na-miss ko kasi kayo eh." Panimula ko.

"Ahhh.... Kita naman. Mukhang nabitin ka ata sa usapan natin nung isang araw." Banat naman ni Nayeon.

"Tama ka. Sige, upo muna kayo. At saka nasaan na pala yung tatlong lalaki?" Tanong ko sa kanila dahil mukhang hindi nila kasama.

"Yung mga jowa namin, susunod na lang daw sila. Si Jeongyeon naman, hindi namin sure kung makakapunta siya rito. Busy kasi sa Company." Sagot ni Jihyo.

Hanggang sa may sumunod namang kumatok. Ako na ang nagbukas kasi nasa kusina pa si Bambam. Nagpresinta kasi siyang gumawa ng meryenda nitong mga bisita namin.

"Ikaw lang ba nakatira dito? Parang hindi ako naniniwala. Pero hindi naman ako magtataka kung kayo na ng pinsan namin." Aniya ni Dahyun nang makaupo dito sa Sala.

Grabe! Kararating pa lang, Dumaldal agad. Bagay talaga sila ng kaibigan ko. Pero mukhang may kaunting pinagbago lang. Hindi na gaanong nagsasalita si Jihyo pero yung boses niya dati pa rin. Si Nayeon naman na ngayon ang sobrang daldal. Dinaig pa si Marites, ang dakilang chismosa. Well, dati na siyang ganyan, lumala lang.

"So? Anong ganap?" Tanong ni Dahyun.

"Pinapunta ko kasi kayo dito para sa importanteng bagay. Nalaman ko na kasi kung sino talaga ako. At gusto kong kayo ang unang makaalam." Panimula ko.

"Owss.. di nga. So? Sino ka ba talaga?" Tanong naman ngayon ni Nayeon. Halata sa mukha niya ang pagka-curious.

"Bago yun, magmeryenda muna kayo. Alam kong nakakapagod ang pagbiyahe." Alok ko sa kanila  nang dumating na si Bambam dala ang mga pagkain na ginawa niya. Agad naman nila itong kinain.

"Si Jeongyeon? Hindi ba talaga siya makakapunta rito?" Tanong ko.

May pagtataka na tiningnan ako ng apat.

"Baka hindi yun makarating. Busy pa yun sa Secretary niya." Agarang sagot naman ni Dahyun sa akin. Hindi ko pa nalalaman kung bakit pero nakaramdam na agad ako ng sakit. Mukhang may nahanap na siyang iba.

Natahimik na lang ako matapos marinig yun na napansin naman nila.

"Bakit mo ba siya hinahanap?" Tanong ni Jihyo.

"Oo nga. Napapansin ko kasing may iba pang dahilan eh." Segunda naman ni Dahyun.

"Gusto ko sanang nandito siya habang sinasabi ko ang magandang balita na dala ko. Miss ko na siya." Malungkot ko namang sabi.

"Anong--?" -Jin

"Maiwan ko muna kayo diyan, Mga Besh. Bahala na sa inyo si Bambam. Mag-party kayo kung gusto niyo." Walang gana kong sabi saka ay tinungo ang kwarto ko.

Hindi ko na sila pinakinggan pa at pumasok na lang sa kwarto ko. Akala ko pa naman makakasama ko na siya. Mukhang nahanap na pala siya ng iba.

Siguro napagod na siyang mahalin ako. Siguro nakapag-move on na siya. Pitong buwan na rin kasi ang nagdaan. Napakatagal na rin nun.

Forever You (JeongMi Fanfic) [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant