Kabanata 3

24 2 0
                                    

DID YOU KNOW?
—Noah was 950 years old when he died. (Gen. 9:29)

HOSEA 6:1
Come, and let us return unto the LORD: for he hath torn, and he will heal us; he hath smitten, and he will bind us up.

EPHESIANS 2:4
But God, who is rich in mercy, for his great love wherewith he loved us,

EPHESIANS 2:5
Even when we were dead in sins, hath quickened us together with Christ, (by grace ye are saved;)



KABANATA 3




"Kumusta naman ang sitwasyon mo riyan? Nahihirapan ka ba?" tanong sa akin ni Mama ng hapong 'yun.

Tapos na ang klase at naka-uwi na ako ng dorm. Kasalukuyang nagpapahinga sa kama at hindi pa nakakapalit ng damit. May prayer meeting pa kami mamaya sa Tabernacle.

"Okay naman rito, Ma. Malaki rin ang dorm namin at mababait ang mga kasama ko." Kwento ko at pinagmasdan siyang hawak-hawak ang cellphone. Nasa tindahan siya ngayon base sa mga prutas sa likuran at iilang taong nagagawi.

"Mabuti naman kung ganu'n. Nang kapanahunan ko pa ay siksikan talaga kami sa maliit na dorm. Mabuti nalang at pinaganda pa lalo ni Ptr. Govender ang DBS." Ani Mama.

Ngumiti ako at bahagyang tumango. Kumpara nga sa mga nakikita kong litrato niya noon, ibang-iba na nga ang DBS at improved na. Kumpleto na rin sila sa facilities kaya hindi na mahihirapan ang mga gaya kong pumasok dito.

Bago kase sila nagkakilala ni Papa, graduate siyang bible school 'yun ngalang ay hindi na naipagpatuloy dahil nagpakasal agad sila ni Papa at nagka-anak. Kaya pangarap ni Mama na kahit isa manlang sa mga anak niya ay makapasok dito. Si Ate, devoted din 'yun ngunit priority niya ang makahanap ng trabahong magsusustento sa pangangailangan sa bahay at sa gamot ni Mama. Hindi rin kase sapat ang benta ng tindahan kaya kinailangan niyang pumasok ng secular school malapit sa amin. Third year na siya ngayon.

Ako itong tumupad sa pangarap nilang dalawa. Kaya pinapangako ko sa sariling pagbubutihan ko. Hinding-hindi ako magpapapatid. Hindi ako matutulad kay Mama na nawala ang pangarap matapos makilala ang ama kong humadlang sa kanya gawin ang pangarap.

Hinding-hindi ako magpapaloko at magpapa-api para sa isang lalake lang. Hindi ako magagaya kay Mama.

"Lib?" kasunod akong nakarinig ng katok mula sa labas.

"Ben?" tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. Bumungad agad ang hindi kataasan na babae na may suot na glasses.

"Naka-ayos kana? Magsisimula na ang prayer meeting maya-maya." Aniya at tiningnan ang suot ko.

Itinikom ko ang bibig at napakamot ng kilay.

"Aalis na ba kayo? Hindi pa kase ako naka-bihis." Usal ko at sa likuran niya lumusot ang tingin ko sa kasamahan namin sa dorm na bihis na bihis na. Hindi pa ako nakahapunan. Nawili kase kaka-usap kay Ate kaya nakaligtaan ko ang oras.

"Nakahapunan na rin kase kami. Mauna nalang ba kami?"

"Ganu'n na nga siguro. Hindi pa kase ako nakakahupan. Susunod nalang ako." Ani ko na ikinatango niya 'tsaka tumalikod para lapitan ang mga kasamahan namin. Tumango sila sa sinabi ni Bennese at kumaway sa akin.

"Humabol ka ah!" ani nila. Tipid akong ngumiti at tumango bago isinarado ang pintuan at naghanap ng damit na maisusulot.

Nag-half bath muna ako bago nagbihis ng isang sweetheart checkered dress na hanggang gitna ng binti ko at sinuotan ko ng isang black knitted jacket. Isang simpleng black sandals lang din ang ipinares ko at sling bag bago kinuha ang bible sa study table at lumabas para kumain muna.

Echoes Of Mercy (DBS SERIES 3)Where stories live. Discover now