Kabanata 7

20 4 3
                                    


DID YOU KNOW?
—Malachi is the end book of The Old Testament while Matthew is the opening book of The New Testament.

1 CORINTHIANS 13:1
Though I speak with the tongues of men and of angels, and have not charity, I am become as sounding brass, or a tinkling cymbal.

1 CORINTHIANS 13:2
And though I have the gift of prophecy, and understand all mysteries, and all knowledge; and though I have all faith, so that I could remove mountains, and have not charity, I am nothing.

KABANATA 7





Tikom ang labi habang mahina ang bawat hakbang sa dagat ng mga taong abala sa bawat gawain. Binabalot pa rin ng panliliit ang katawan ko at hiya sa nangyari.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi upang pigilin ang paghikbi. Gusto kong pigilan ang sarili dahil sa tabi ko lang si Saint ngunit masyadong mabigat ang nararamdaman ko at mahina ang loob upang labanan.

Hindi ko naman kasalanan na naging maitim ako. Hindi ko rin ginusto na maging ganito ang katawan ko. I never wanted it. Pero bakit ba ganu'n ang mga tao? May mali ba sa suot ko para mabastos nang ganu'n?

"Please don't mind that unrespectful man. People like him with wicked heart is inevitably kaya kahit magsuot ka pa ng balot na damit, kapag gusto nilang mangbastos, mangbabastos sila, Lib."

Binitawan ko ang ibabang labi sabay buga ng hangin at sinulyapan siya sa tabi ko. Para bang alam niyang sinisisi ko ang sarili sa nangyari. He knows well.

"Don't blame yourself. It's not your fault that there are people like them. Don't feel ashamed. He's the one who supposed to feel that way not you."

Hindi ko alam ang sasabihin pero gumaan ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Para bang alam na alam niya kung paano pagaanin ang loob ng isang tao kapag nasa problema sila.

I wonder if he's like this to others too? Like this concern.

Of course, Liberty! Don't ask like you're a fool! You know him! He'd probably do it to another girl who needs help incase. Then naalala ko ang girlfriend niya. She's undeniably lucky of him in any way. Kaya nakakainggit lang na ang pinapangarap ko, pagmamay-ari niya.

Dahil sa presensya niyang dumadala ng kahinahunan at sa mga tinuran, unti-unting nawala ang bigat sa dibdib ko at tuluyang naglaho palayo. Idagdag pa ang ngiti niyang nakakawala ng mga alalahanin.

I feel like he's an angel God sent from above to erase my heavy thought. But kidding aside, Saint is really an angel. Kung mayroon mang dapat i-describe sa creation na iyon sa Bibliya, siya agad ang una kong naiisip, physically. He's indeed kind like angels, generous and accommodating like them. Plus the fact that he makes everyone around him feel comforted and at ease. Though minsan nagshu-shuffle din sa akin dahil sa nararamdaman ko sa kanya. Idagdag pa ang mukha niyang parang sa anghel.

In-love na in-love siguro ang Mama niya nang ipinagbuntis siya. Sinalo kase lahat ng favor mula sa Diyos.

Masikip ang daanan palabas ng wet market. Saktong mag-aalas onse na rin kaya naisipan naming bumalik na sa pagkikitaan namin dahil sigurado nandoon na rin si Benesse.

Dahil sa daming tao, hindi na magkumayaw ang ingay at amoy na lumalaganap sa paligid. Idagdag pa ang siksikan kaya hindi mo malalaman kung ano ang bubungad sa 'yo sa susunod na hakbang pwera sa sementong daanan.

Tahimik lang si Saint na nakasunod sa likuran ko at marahang hinaharang ang ibang gustong sumingit sa pagitan namin. Nang nasa sea foods section na kami, nalingat bahagya ang aking paningin nang makita ang isang malaking alimangong hawak ng lalake at ikinakaway sa ere upang makita ng lahat.

Echoes Of Mercy (DBS SERIES 3)Where stories live. Discover now