3

708 21 1
                                    


Chapter 3

We meet again






"Ano na naman bang plano natin ngayon?"

"Oo nga. Bored ako"

"Ako din"


"Masarap pala itong...ano nga ulit ang tawag rito, cal?"

I turned to see rebecca, deliciously stuffing her face with a ginanggang.

Narito kami ngayon sa may kanto namin sa tondo. Ewan ko ba't sa mga 'to. Umuwi ako rito kagabi tapos nakagisingan ko ang pagkatok ng tiyahin ko sa kwarto ko. Aniya'y nasa labas raw ang mga kaibigan ko naghihintay sa akin.

Porket summer at walang pasok, hindi na sila mapirmi sa mga kaniya-kaniyang bahay nila! Lalo na itong si rebecca. Parang mamamatay pag hindi makagala!

Si shanala naman, hindi na ako nagtaka kung bakit wala ngayon. Ngayon lang ata siya umaabsent. Tuwing normal na galaan, hindi naman. Takot lang talaga siyang makasalubong ang tatay niya.

Dumako ang tingin ko sa lamesa sa banda ni rebecca. Umawang ng bahagya ang labi ko nang makitang isa..dalawa..tatlo--anim!

"Anim na ang naubos mo!?"

Pa-cute lamang siyang nagkibit-balikat.

"Saan mo ba pinaglalagay lahat ng pinangkain mo!?"

"Eh sa masarap eh!" Nguso niya pagkatapos ay bumaling sa tindera. Doon pa talaga siya umupo sa harapan ng nagbibenta!

"Isa pa nga pong order ate! Ng...ng ano ba tawag diyan? Grilled banana on a stick?--topped with butter and washed sugar?"

"Ay tangina nito! Ang arte mo ha!" Singhal sa kaniya ni adelie pagkatapos ay binatukan siya.

"Aray ah! Eh sa hindi ko alam eh!"

"Ginanggang!"

"Minumura mo ba ako?" Irap niya sa akin. Sinamaan ko din siya ng tingin.


She smiled cheekily. "Chariz!"

"Manang isa pa nga pong order ng...ginanggang! Tsaka...paluto na din ako ng tatlo pa. Salamat!" Aniya roon sa tindera.

Inabutan siya ng bagong luto na agad naman niyang nilantakan. She even leaned her back on the chair and crossed her legs, like she was the boss of the whole community.

"Anong plano mo sa birthday mo?" Tanong niya habang ngumunguya.

Umiling ako. "Hindi ko alam."

Kumunot ang noo niya. "Hindi mo alam? Wala kang plano?"

"Wala siguro..."

"Eh? Ano kaya yon?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala akong pera dito rebecca!"

"Eh kung pera lang naman...ako nang bahala doo--"

"No. Don't even think about it" i cut her off.

"O.A mo naman! Ililibre na nga kita eh!"

"Hindi ba nagtataka ang mga magulang mo na kada-linggo ay halos ilang libo ang nawawala sa bank account nila?"

"I have an account of my own no! Tsaka...wala naman silang pake. As long as i stay out of trouble, they're fine"

"But you don't" ani ni adelie sa kaniya.

Ngumisi siya. "Hindi naman ako yon eh...it just so happens that trouble...are the ones chasing me! Ganda ko kase eh.." Then she flipped her hair.

Villarmazan Series #2: Walls of SecrecyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora