6

575 24 4
                                    


Chapter 6

Unpredictable







As days passes by, mas naging mainit ang ulo sa akin nung Malleus. Ewan ko ba! pero pansin ko na iba ang tungo niya sa akin, kumpara sa ibang kaklase ko. Iba din siya sa ibang pinsan niya. Akala ko wala nang makakatalo kay Sir-spokening-dollars—sir Auricle sa pagiging masungit, meron pa pala!

In contrast to what Rebecca has been feeling towards the other Villarmazan, ako ay lagpas ang inis sa pinsan nito. Wala talaga akong kasalanan sa kaniya sa pagkakaalala ko. But why does he keep on frowning when he sees me? Panay din ang irap at sita niya sa akin! Bukod sa nakakahiya. Ako ang palaging tinatanong ng mga kaibigan ko! Kung ano ba talaga ang nagawa ko kung bakit gano'n na lamang ang tungo niya sa akin! But of course...I couldn't answer what I'm completely oblivious about!


Hindi din naman madaling lapitan siya. Some would express that i'm being 'feeling close'. Most especially that in such short amount of time, the new professors gained major popularity on the campus grounds.


Thursday. Sinabayan ng init ng panahon ang pag-init ng ulo ko.


Namataan ko ang mga kaibigang nakaupo na sa may caf. Pagkarating ay padabog kong ibinagsak ang libro sa mesa, dahilan para mapatalon sila sa gulat. Sa gilid ng mata ko ay kita ko ang pagsama ng tingin ni Rebecca sa akin.


Nakabusangot akong umupo at humalukipkip. Gumawa ng ingay ang pag-drag ko ng upuan pero hindi iyon pansin dahil sobrang busy ng lahat sa caf na iyon.


"I assume the reporting didn't go fairly well?"

Sumulyap ako kay rebecca na ngayo'y ibinalik na ang attensyon sa librong binabasa. Sinilip ko iyon. It was Anaphysio. Of course.


Bigla kong naalala na kailangan ko din palang mag bukas ng notes. May quiz pala next meeting.


Binasa ko ang pang-ibabang labi, nagdadalawang-isip pa kung magtatanong ba ako o ano...pero hindi ko pa rin napigilan...


"Nang magbigay siya ng feedback kanina sa inyo, was he in a good mood? Or..."




I tried my best not to connect gaze with her. Nanatili ang mga mata ko sa pahinang binabasa niya. Pero sa gilid ng mata ko, nakita ko siyang nagkibit-balikat.


"He was...in a good mood. He gave us a positive feedback. He even praised me dahil na master ko ang report namin nang hindi tumitingin sa slides!" mayabang niyang sabi. Nakataas pa ang gilid ng labi.


Sa kalagitnaan ng pagsasaya niya, sumimangot ako.

"Napag-initan ka na naman ba?" Si nes. It followed by a scoffing shanala.


"May bago pa ba? Sa tingin ko nga ay may tagong galit sa atin ang mga bagong prof na yan!" She exclaimed in a gritted teeth.


"Sa inyo lang. Okay naman sila sa amin..." minimal na sabi ni peia.

Naputol ang tingin ko sa kaniya nang hinampas ni rebecca ang dalawang kamay sa libro.

"Ang ingay niyo!!" She snapped, giving each of us death stares.

Tumayo na siya.

"Saan ka na naman pupunta?" Si shanala.

"Ang iingay niyo kasi! Hindi ako makapag-concentrate dito!Library lang ako."


"Bakit hindi mo na lang kami hintayin? Pupunta din kami doon pagkatapos dito" si adelie.


"Wag na. Kakadating lang din ni calli oh! Kakain pa yan, matatagalan pa!"

Villarmazan Series #2: Walls of SecrecyWhere stories live. Discover now