31

546 18 1
                                    


Chapter 31

Conceal




Binilisan ko ang pagbibihis nang marinig na naman ang katok sa pintuan ko.

Shit! Shit!!

"Bilisan mo diyan!"

"Eto na!" tangina! Shit...

Mabuti na lang ay mabilis lang suotin yung dress na pinili ko. I just randomly picked it kanina dahil sa pagmamadali.

Nang matapos ay kaagad akong nagtungo sa pintuan. Pagbukas ay bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ng kaibigan.

Nakahalukipkip siya. Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa ayos ko.

"Akala ko nag-gown ka pa eh! Bakit ba ang tagal mong lumabas?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

"Na-late ako ng gising eh." Nakangiwi kong sagot.

Nanunuri ang mga mata niya. "Bakit? Ano ba ginawa mo kagabi? Mukhang puyat ka na naman." Aniya sabay turo sa ilalim ng mga mata ko.

Napatikom ako ng bibig at mabilis na umiling. Sinarado ko na ang pintuan at humakbang palabas.

Sa sala, naroon ang nobyo. Tumayo siya nang makita ako.

I went to him and kissed his cheek.

"Kanina pa 'yan diyan." Pa-alam ni shanala sa likod ko.

I looked at him apologetically. "Talaga? Sorry. Hindi kasi tumunog yung alarm ko."

He smiled handsomely. "It's fine. You should've taken your time."

"Late na ba tayo? Anong oras ba yung appointment natin?"

"It shouldn't be a problem. Ikaw lang naman yung pasyente ni doc ngayong araw."

Tumango ako. Sinuot ko na ang sling bag.

"Let's go?"

"Wait." pigil niya. Hinawakan niya ang balikat ko at pinatalikod ako.

"Bakit?"

I felt a tug on the back of my dress. Natanto kong hinila niya pala ang zipper ko pataas.

Hindi ko ba iyon naayos ng Mabuti? hindi ko naman kasi masyadong maabot eh!

"S-salamat."

Maliit lamang siyang ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin. Nilingon niya si shanala at nagpaalam roon, habang ako naman ay natahimik sa ginawa niya.

Hindi ko mapigilan ang maalala ang nangyari noong gabing iyon. Ang gabi na naging mapusok. I never thought that the simple kiss would turn heated. Nadala ako sa mga haplos niya. Sa kung paano gumalaw ang mga labi niya. I would remember that every time we would kiss, hindi man gaanong madalas, but when he does kiss me on the lips, maingat. Kaya bago sa akin ang paggawi niyang iyon. He was at lust, I know. At nakakahiya man, pero ako din.

Nevertheless, nothing happened. He stopped before we could get any further. And I admired him for that.

Sabi ko sa sarili ko, hindi na siguro mas mapapalalim pa ang nararamdaman ko para sa kaniya. But he keeps proving to me that whatever perspective I have on him is not true. And I couldn't unlove him. Mas lalo lamang iyong nadadadagdagan.

He never stopped being concerned about me. Every once-a-week akong pumupunta sa therapist. Naalala kong minsan niya na sa aking inalok iyon, and now...natupad nga. Instead of bringing me to a rehabilitation specialist, he offered a licensed substance abuse counselor for me. Hindi ko alam kung ano ang pagkakaiba, pero iyon ang tumutulong sa akin. At doon kami papunta ngayon.

Villarmazan Series #2: Walls of SecrecyOnde histórias criam vida. Descubra agora