10 - Almost, too close

4.6K 141 17
                                    

A/n:
From the title and description itself, alam n'yo nang magiging malandi at pilyo ang ating dalawang bida. 🤧😅 Sa mga ayaw po at hindi open-minded sa ganito ka SPG na istorya, please leave my story alone
👉👈.

***
BECKHAM

"Papa-sex change na lang ako."

Sabay-sabay nabaling ang tingin naming tatlo kay Jonah nang magsalita ito. Kanina lang ay bagsak na bagsak na s'ya sa kalasingan tapos ngayon ay para s'yang patay na biglang nabuhay.

"Matulog ka na nga lang." pahayag ko. Hinawakan ko ang ulo n'ya para muli itong ibalik sa pagpagkakapatong sa mesa at patulugin ulit s'ya.

"Hindi! Papa-sex change na talaga ako." Inihampas n'ya ang kamay n'ya sa mesa na ikinagulat naming lahat. Kaya ayokong nalalasing ang tahong na 'to kasi kung ano-ano ang pumapasok sa utak. Nakakatakot s'ya dahil minsan ay tinutotoo n'ya talaga. Kahit gaano pa s'ya kalasing ngayon ay maaalala n'ya talaga ang mga kawalanghiyaan n'ya kinaumagahan.

"Bakit naman?" tanong sa kanya ni Justine.

"May forever sa mga lalaki. K-Katulad n'yo na lang ni Winslow. T*ngina n'yo! Edi kayo na!" mataray na pahayag ni Jonah na ikinatawa ni Justine. Halatang lasing na rin ang isang 'to. "Don't laugh at me!" Parang batang maktol ni pussycat habang napapadyak sa ilalim ng mesa.

"Aray!" daing ko nang bigla n'ya akong sampalin. Magkatabi lang kami kaya nagawa n'ya akong saktan. Gaga talaga 'tong babaing 'to. "Inaano ka ba?" inis kong tanong sa kanya habang hinihimas ko ang pisngi kong tinamaan n'ya.

"Ang pangit mo! Gusto kitang ingudngod sa inidoro dahil 'don nababagay ang mukha mo." inis na pahayag ni Jonah na nagpasalubong ng mga kilay ko. Kanina pa mainit ang dugo n'ya sa akin. Ano bang problema n'ya sa akin? Kung wala lang kaming bisita ay baka kanina ko pa s'ya sinabunutan. Nanggigigil ako sa kanya.

"Bwahahaha!" Humagalpak nang tawa si Justine habang pangiti-ngiti lang si Winslow at umiinom. "I need to pee. Patawa kasi 'tong si Jonah." paalam ni Justine.

Tumayo si Jonah at pagewang-gewang na naglakad papunta kay Winslow saka n'ya ito inakbayan.

"Winslow, ikaw na lang bestfriend ko. Ayoko na sa kanya." turo sa akin ni Jonahnanggal. "I hate him kaya ikaw na lang besywap ko starting today." dugtong n'ya na nagpatas ng isa kong kilay.

Edi magsama sila! Pake ko ba kung ayaw n'ya na akong maging kaibigan.

"Okay." tipid na sagot ni Winslow na nagpatalim ng tingin ko sa kanya.

"Talaga? Yehey! Ang bait-bait mo talaga!" Yumakap si Jonah sa leeg ni Winslow habang nakapwesto s'ya sa likuran nito. Para s'yang bata na binigyan ng piso ng tatay n'ya. Noong isang araw lang ay binabackstab n'ya si Winslow na ang sungit-sungit daw. Tsk. Ang plastic ng babaing 'to.

"Hahaha. May bago na akong bestfriend! Bleh!"

Kung malapit lang s'ya sa akin ay baka hinila ko na ang dila n'ya at pinulupot 'yon sa leeg n'ya.

"Matulog ka na nga lang! Ang ingay-ingay ng bunganga mo 'e!" sita ko sa kanya.

"Hmm. I'm sleepy." Nakangusong wika n'ya saka s'ya lumapit sa akin at isinandal ang ulo n'ya sa balikat ko.

Oh akala ko ba may bago na s'yang bestfriend? Bakit ngayon ay lalapit-lapit s'ya sa akin? Kuritin ko kaya utong n'ya nang matauhan s'ya. Gigil!

Tumayo ako at inalalayan s'ya papasok sa kwarto. Konsensya ko pa kapag nabagok ang ulo n'ya. Magpapakalasing tapos hindi naman pala kaya. Ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag pinabayaan ko s'ya sa tuwing nalalasing s'ya? Haist. Siguradong delubyo dala n'ya. 

My Bang Buddy | Pechay Series #3Where stories live. Discover now