27 - Monster in his Mask

3K 89 6
                                    

2 MONTHS EARLIER

"Nagyayaya si Daisy na mag-bar daw tayong tatlo." pahayag ko bago tanggalin ang tingin ko sa hawak kong phone. Hinabol ko si Nadya na nauunang maglakad sa akin.

"S-Sorry Jonah, I can't come."

"Himala. Ngayon ka lang ata tumangi." Hindi makapaniwalang pansin ko. Kumapit ako sa braso ni Nadya at sinilip ang mukha n'ya. "May problema ba?" tanong ko. Tumigil si Nadya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Jonah, may sasabihin ako sa'yo but promise na sa atin lang 'tong dalawa." Bakas sa mukha n'ya ang takot at pag-aalala.

"Ano 'yon? You know you can always trust me."

"Jona--"

"Hi girls!" Mula sa likuran namin ay bigla na lang 'don sumulpot si Daisy saka n'ya kami inakbayan ni Nadya. Para s'yang kabute na kung saan-saan na lang lumilitaw. Nakakagulat na s'ya minsan.

"Daisy? Anong ginagawa mo rito?" puno nang pagtatakang tanong ko. "Tapos na ba shift mo?" dugtong kong tanong. Alas-singko palang. Sa pagkakaalam ko ay alas-otso pa ang tapos ng trabaho n'ya.

"Yup and duhhh! Ang lapit lang ng mall dito sa pinagtatrabahuhan n'yo kaya dinaanan ko na kayo. So, bar tayo later?"

"Hindi raw makaka--"

"I'll go." pagputol sa akin ni Nadya. "Baka kulang lang ako sa alak kaya hindi ganun kaganda ang pakiramdam ko kanina."

"Are you sure?" tanong ko kay Nadya.

"Oo naman." tipid ang ngiting sagot n'ya sa akin.

"We're settled then. Kitakits mamaya. Same bar." pahayag ni Daisy.

Pumara ako nang taxi pauwi habang naiwan naman si Nadya at Daisy na magkasama. Mas madalas silang magkasama dahil parehong area lang ang inuuwian nilang dalawa.


"At saan ka na naman pupunta?" tanong sa akin ni kuya Jenno habang nakatayo sa may pinto ng kwarto ko.

"Sa bar. Don't worry, kasama ko naman si Nadya." paninigurado ko sa kanya. Sa tinging ibinibigay n'ya ngayon sa akin ay halatang hindi s'ya kombinsido sa sinabi ko.

"Pero mas panatag pa rin ang loob ko kapag si Beatrice ang kasama mo."

"Pero wala s'ya rito kuya."

"Kaya nga hindi ako mapakali kapag lumalabas ka at nagba-bar."

"Kuya, kaya ko ang sarili ko at isa pa kasama naman namin ni Nadya si Daisy. Bakla man s'ya pero kaya n'ya kaming protektahan."

Talaga ba? Hindi ko rin sure dahil hindi pa namin s'ya subok.

"Kelan mo nga pala s'ya ipapakilala sa amin?" tanong ni kuya. Simula nang mabanggit ko sa kanila si Daisy ay palagi n'ya nang inire-request sa akin na imbitahan ito sa bahay.

"Naku, lagi 'yong busy. Tsaka paiba-iba kasi ang shift n'ya." sagot ko. Sa tuwing niyaya ko naman kasi si Daisy ay lagi s'yang hindi available pero kapag bar ay free na free naman.

"Dala mo ba ang pipperspray na binigay ni Freida sa'yo?"

"Oo. Ano ba kuya. Masyado kang concern sa akin, hindi ako sanay."

"Wala kasi si Beatrice kaya hindi rin ako mapalagay. Basta tawagan mo kaagad ako kapag may problema."

"Oo na." natatawang sagot ko sa kanya.

Chineck ko ulit ang itsura ko sa salamin bago tuluyang umalis nang bahay. Naisip kong daanan na lang si Nadya sa apartment n'ya since malapit lang din naman 'don ang bar na pupuntahan namin.

"Yow gurl!" bati sa akin ni Daisy na s'yang nagbukas sa akin ng pinto.

"Jonah, I-I didn't know your coming here." pahayag ni Nadya na nasa likuran ni Daisy.

"Dinaanan na lang kita. Tamang-tama, nandito rin pala si Daisy." pahayag ko. Tipid lang na ngumiti sa akin si Nadya bago isaklay ang maliit n'yang bag sa balikat n'ya.

Nag-away ba sila ng boyfriend n'ya? She seems off.

Paminsan-minsan kong tinatapunan ng tingin si Nadya na tuloy lang sa paginom sa tabi ni Daisy. Napansin kong hindi na s'ya ganun ka daldal at ka-jolly. Nakakapanibago.

"Magbabanyo lang ako." paalam ni Nadya.

"Sasama na ako."

Kumapit ako sa braso ni Nadya at sabay naming tinungo ang banyo. Pumasok sa isang cubicle si Nadya kaya naman hinintay ko na lang s'ya habang abala naman ako sa pag-ayos ng buhok ko sa harap ng salamin.

"Nadya," tawag ko sa kanya.

"Jonah." Nagulat ako nang biglang humagulgol si Nadya kaya naman kaagad akong lumapit sa kanya at yinakap s'ya.

"Nagaway ba kayo ng boyfriend mo?" tanong ko habang hinahaplos ang likuran n'ya.

"H-Hindi,"

"Bakit ka umiiyak?"

"J-Jonah," Hagulgol n'ya.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Where stories live. Discover now